Marami akong nababasang hate comments sa mga stories ko sa Wattpad kesho delete ko na raw ang story ko kasi hindi na available sa Wattpad ang buo. Maraming nagagalit dahil nasa ibang platform na ang story at paid na ito.
Kung ayaw niyo gumastos o basahin ito sa Dreame o Yugto, bigyan niyo na lang ng kahit konting respeto ang writer. Hindi iyong kung ano-ano pa ang mga komento niyo at sasabihan pa na mamatay na ako. Hindi naman ako affected pero ayaw ko lang na maulit ito sa ibang writer.
Tandaan niyo, isang malaking opurtunidad sa mga manunulat na tulad namin na magkaroon ng tiyansa na mabayaran sa pagsusulat namin. May mga libreng coins at ads naman na pwede mapanood sa Dreame para mabuksan ang mga kabanatang naka-lock. Maari pa rin kayong makabasa kahit hindi naglalabas ng pera.
Uulitin ko. Hindi na po mababalik sa Wattpad ang buong mga storya na nailipat na sa Dreame. Kung hindi afford at walang tiyaga, edi 'wag basahin. Hindi ka naman pinipilit kaysa mag-comment pa ng kung ano-anong mapanirang salita sa storya.
At the end of the day, hindi ko na mababago ang mga bagay na nangyari na kahit anong hate comment pa ang gawin niyo. Kaya kung maaari, iwas-iwasan po dahil ayaw ko rin naman kayo patulan.
Maraming salamat at na-a-appreciate ko kayo dahil gusto niyong mabasa ang aking mga storya pero hindi po ibig sabihin non ay malayo kayo na masasabi ang kung ano lang ang gusto niyong sabihin. :)
Maraming Salamat!