Love. Love. Love...
Kung bakit naman kasi kailangang masaktan habang nagmamahal eh!?
Bakit ba naman kasi hindi nalang hayaan ni Tadhana na maging masaya na lang forever?
Ba't 'di na lang gawing perfect ang lahat?
Ba't 'di na lang gawing happy ending lahat?
Tsk. oo, gets ko naman na wala talagang nagtatagal sa mundo.
Gets ko na rin na boring ang buhay kung walang problems.
Tsk. Tanong ko lang: Masama po bang maging man hater?
Man hater ako pero deep inside naghahanap pa rin ng taong handang tumanggap at magamahal sa akin.
Gulo ko noh?!
'Yaan mo na kahit ako naguguluhan din eh!
Ayokong ma-inlove pero at the same time gusto ko rin.
Ayoko dahil hindi ko gustong maranasan ang mga nangyayari sa mga heart broken sa paligid ko; na nagiging bitter, hopeless, at masama.( hindi ko naman po nilalahat ah, no hard feelings)
At the same time gusto ko kasi base sa mga sinasabi ng mga in-love jan: Masaya daw magkaroon ng partner for years.
Masarap daw sa pakiramdam na may taong handang samahan ka sa anumang pagsubok na ibigay sa inyo ng Panginoon.
At may taong nagpapangiti at nagpapasaya sayo.
Haay nako, bahala na nga!
Ipapagpasa-Diyos ko na lang ang magiging kapalaran ko.
Marami pa naman akong oras para pagnilayan ang paksang "Pag-ibig" eh.
Tulad nga ng sabi ng nakararami ay bata pa naman ako para isipin ang bagay na 'yon.
Marami pa akong hindi alam at hindi natutuklasan.
Sabi nga'y marami pa akong kakaining kanin para makarating sa puntong 'yon.
At sana'y sa oras na yaon ay alam ko na sana ang totoong ibig- sabihin ng "Pag-ibig".
Para po sayo na nakabasa nito,
Pasensya na kung masyadong madrama.
Gusto ko lang talagang ilabas ang mga tanong at sintemyentong nabubuo sa isip ng isang 'dalagitang' labing-dalawang taong gulang.
Nanghihingi na rin po ng tips at advice. hehe!
Written during
December 26 2015
By Aubz Verdera :)