Hindi ako isang manunulat, o isang pilosopo. Ako ay isang Pilipinong may prinsipiyong hindi ipagpapalit. Oo, may dugong Pilipinong kumukulo sa mga ugat ko, at hindi tulad ni Rizal na nagpaka-martir para sa bayan, mayroon akong papel na gagampanan sa ikauunlad ng bansang Pilipinas. 

Tulad ng ibang Pilipino, nakikita ko kung ano ang nangyayari sa kasalukuyan. Naniniwala akong sa mga nakikita kong mga pangyayari sa kasalukuyan, may mga mapanghusgang tao na kumbaga may nakakarinig na tsismis ay naniwala na kaagad. May nagmumura, oo, ang Pilipino ay nagmumura kahit mayroong ibang Pilipino na hindi minsan nagmumura.

Yes, may FREEDOM tayong mga Pilipino. May FREEDOM tayong magpakita ng nararamdaman natin, tulad ng pag-EXPRESS ng bad feelings ni Mayor Duterte sa mga kriminal sa pamamagitan ng "dirty" finger; mga netizens na hinuhusgahan ang mga taong nagigipit sa mga kotrabersyang pangyayari; mga taong idinaan sa baril ang usapan; mga mahistradong nagsusulat ng mga jurisprudence na nag-deny ng petisyon, kumbaga sa pag-ibig, pag may nanliligaw binabasted minsan; o 'di kaya'y mga manunulat na gustong i-COVER ang istorya sa mga prominenteng diyaryo't magazine tungkol sa mga bagay-bagay.

Pero isipin mong mabuti, sa kasalukuyang panahon, kinikilig ang mga tao sa panonood ng mga teleserye, minsan nada-dramahan sa mga nangyayari, minsan naiinis sa nakikitang mga masasamang balita. Lahat na lang puro mga pang-abay at pang-uri.
  • Bauan, Batangas
  • JoinedMarch 25, 2012


Following


Stories by Jhon Kenedy Z. Austria
Liber de Ignorantia Filipina by AugustAustrianism
Liber de Ignorantia Filipina
The book for educated (but ignorant) Filipinos. Ang aklat ng mga kamangmangan, kasinungalingan, at natatangi...