For me, history is as strange as fiction, kaya sobra akong fanatic ng historical fiction from books to movies and television dramas lalong-lalo na yung ancient to renaissance ang setting. Subalit ako ay lubhang nanghihinayang sapagkat kadalasan kong nababasa at napapanood ay tungkol sa kwento ng mga taga-ibang bansa. Nauuhaw ang aking mga mata sa paghahanap ng mga babasahin at papanoorin na nagpapakita ng ating makulay na nakaraan kung saan ang ating bansa ay wala pang bahid ng pananakop ng mga dayuhan. Kaya naman napag-isipan ko na ituon ang aking sarili sa paggawa ng mga nobelang pangkasaysayan na tumatalakay tungkol sa mga tao sa ating bansa noong sinaunang panahon, totoo man o maalamat, upang maipakita sa bawat isa ang magandang kultura, paniniwala, at paraan ng pamumuhay bago pa dumating ang mga Kastila. Kung ating iisiping mabuti, ay maaari nating ipagmalaki ang makulay nating kasaysayan sa mas higit na kilalang sibilisasyon tulad ng mga Griyego, Romano, Mayan, Intsik, Koreano, o Indones. Hindi masamang tumangkilik sa banyaga subalit dapat ay higit nating pahalagahan ang atin upang sa gayon ay lalo natin itong mapagyaman at maipasa sa mga susunod na salinlahi ng ating bayan. Kaya nawa ay maglaan tayo ng oras sa pagsasaliksik at pagbabasa, hindi lang ng aking gawa, kundi lahat ng mga babasahing, fiction or non-fiction, na tumatalakay sa kultura ng ating bansa nang sa gayon ay maipakita natin ang ating pagpapahalaga sa ating Inang Bayan.

Completed Novels
*Magka-iba Subalit Magkatulad

On-going Novels
*Ang Binibini ng Sapa

Upcoming Novels
*Ang Binibini ng Ilog
*Ang Binibini ng Dagat
*East is the Sun, West is the Moon
*The Prince and I
*The Lotus Pierced by a Sword
*When The Moon Turns Blue: A Scarlet Heart Fanfiction Novel
  • JoinedSeptember 2, 2014



Last Message
BPHabagat BPHabagat May 11, 2018 08:13AM
Magandang hapon, mga ated! Sana ay magbigay kayo ng oras upang basahin ang bago kong akda na pinamagatang Ang Binibini ng Sapa. Nawa ay magustuhan po ninyo.https://www.wattpad.com/573121261-ang-bini...
View all Conversations

Stories by BigongManunulat
Changes by BPHabagat
Changes
poetry
+2 more
A Eulogy of Us by BPHabagat
A Eulogy of Us
Poetry
ranking #36 in eulogy See all rankings
1 Reading List