Magandang araw po sa inyo. Lubos po talaga akong humanga sa inyong akda na "Magkaiba Subalit Magkatulad". Napakahusay po ng inyong pagkakalahad at malinis ang pagkakasulat. Katulad ninyo, uhaw rin po akong makabasa at makapanood ng mga kwento tungkol sa ating kasaysayan bago pa man tayo sakupin ng mga dayuhan. Nagagalak akong nasumpungan ko ang inyong akda nang hindi ko inaasahan. Aabangan ko po ang mga darating niyo pang mga akda tungkol sa ating bayan. Pagpalain po nawa kayo! :)