"Ano namang mapapala mo kakaisip sa nakaraan at sa mga pwede pang mangyari? Wala ka naman sigurong super powers para maibalik ang nakalipas na. Dapat matuto kang pahalagahan ang mga nangyayari sayo sa kasalukuyan. Isipin mo yung ngayon. I-enjoy mo lang ang buhay.." Oo, may mga pagkakataon talaga siguro na medyo salbahe na ang mga asta naming mga lalaki. Siguro may mga times na medyo nakakasakit na kami ng damdamin ng iba. Marahil nakaka-panakit na kami sa emosyonal o pisikal na paraan pero para sa'min katuwaan lang. Siguro nga hindi kami maiiyak kapag nagkwento ka ng nakakaiyak. Siguro nga hindi namin maiintindihan kung bakit paminsan-minsan ang moody niyong mga babae. Siguro nga mga manloloko kami. Manggagamit. Manyak. Nagmumura. Maiingay. Magulo. Gago. Tarantado. O kung ano pang mga pang-skwater na katangian. Pero minsan din naman kasi nasasaktan kami. Lalong lalo na kapag sinabi ng babae na "Pare-pareho lang ang mga lalaki."
Siguro naranasan niyo na talaga yung feeling na mapagbintangan kahit wala ka namang kasalanan. Pero ibang usapan 'to. Hindi mo naman kasi kilala lahat ng lalaki eh, ba't mo dinadamay ang mga lalaking tapat at seryoso talaga? Bakit mo dinadamay ang mga dating manloloko na ngayon ay nagbago na. Diba? Think of it, hindi ibig sabihin na niloko ka ng isa, eh manloloko na ang lahat. Common sense. Hindi magkaka-connect ang mga ugali naming mga lalaki. Iba iba kami.
Inaamin ko. Hindi ko pinagmamalaki na nagkaroon na ako ng girlfriend. Pero sa lahat ng naging girlfriend ko, siguro kakaunting beses pa lang ako nagseryoso. Kasi alam ko namang hindi ko magiging asawa yung babae dahil bata pa kami kaya ayoko pang ibigay ang lahat. Pero tulad ngayon na single ako. Masaya kasi walang limitations at magseselos diba. Pero pag nakakakita ako ng mga magkarelasyon na masaya, holding hands at nagtatawanan, lagi na lang tumatakbo sa isip ko na kailan kaya ako makakakuha ng ganong relasyon?
Nakakahiya mang sabihin, kaming mga lalaki, gusto pa din namin ng mala-
- JoinedJuly 14, 2013
- facebook: Clarenz's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or