Yo! Happy New Year sa inyong lahat. Kumusta naman kayo? Second week pa lang ng 2021 and feeling ko gusto ko na mag-fast forward sa July para bakasyon ko na. Gusto ko umuwi sa Pinas. Haha. Hectic pa rin ang buhay ng titser, eh kaso pinili ko 'to e. Bawal magreklamo. De, masaya naman. Masaya kahit minsan 'di na 'ko maka-kalma. Charot. Haha.
Salamat sa lahat ng mga naligaw na mag-follow at sa mga nagbabasa ng mga gawa ko. 'Di ko alam kung meron pang nagsasabi ng "astig" ngayong 2021, pero definitely kayo 'yon.
Update sa'kin:
✅ Nagkaproblema sa account ko kaya hindi ko siya nabuksan for almost half a year last year.
✅ Sinimulan ko ang Naruto at Naruto Shippuden last July 2019 and natapos ko siya last 31st December. Napakagandang anime. I must say, nakakasisi nang bahagya na ngayon ko lang pinanood. Ano bang ginagawa ko noong teenager ako? Haha.
✅ Marami akong sinusubukang gawin ngayong 2021. Ang tagal ko nang sinasabi na babalik na'ko sa pagsusulat, kaso kada gagawin ko naman, lagi at lagi akong humihinto. Gusto ko na lang isipin na baka 'di 'to para sa'kin talaga. Eh kaso sabi nga ni Naruto, "Never give up on your dreams, dattebayo!"
✅ Nanunuod ako ng mga Kdrama na related sa business. Matatapos ko na 'yong Start Up, kaso 'ala pa ring tatalo sa Itaewon Class talaga.
Ayon lang naman. 'Di naman ako ganoon ka-special para magsalita nang mahaba. Haha. Ingat kayo lagi, at sana kapag may enerhiya (huwaw naman) at lakas na 'ko para bumalik, 'di na talaga 'ko hihinto at tamarin.
Ingat kayo lagi.
Nakaka-frustrate lang na ang dami ng kaso ng COVID-19 sa Pinas pero wala pa ring malinaw na solusyon para matulungan ang mga tao. Minsan gusto ko na lang malungkot kasi ipinanganak tayong Pilipino, at palaging ibinibida na lahat ng unos kakayanin natin, kasi nga, "resilient tayo."
Stay resilient, mga kapatid.