Daldaleranganda

I'm afraid of falling in love again without even knowing. I can't save myself if that's the case.

Daldaleranganda

Walang patid na pagtulo ng luha,
          Mula sapin, kumot, unan at punda,
          Hindi mawari paano maipapadama,
          Sobrang sakit pakiusap tama na.
          Hindi mabatid saan nagkamali,
          Hindi alam paano pahihintuin ang sandali,
          Hindi na mabilang sa mga daliri,
          Paulit-ulit na bumubulong 'sana'y manatili'.
          Praktisado na sa pang iiwan,
          Wala ng pakialam sa nararamdaman,
          Madali bang ako'y kalimutan?
          Madali bang sabihin na ako'y walang kaalaman?