Dark_Dreamingz
Porke polished ang isinulat AI generated na agad? Ay, bhe, ’di mo alam na tatlong beses ko muna binabalikan ang previous chap. na isinulat ko para e-edit. Tapos bago ko siya ipa-publish ay ititsek ko pa ulit kung mayroon pa bang kailangan ayusin. Minsan nga mayroon pa ring error kahit four times ko na ’yang in-edit, eh. Kaya nga matagal ako laging makapag-update dahil lang sa edit-edit eclavu ko na ’yan. Imbes na magsulat ng new chap. nag-edit kemerot pa. Kaya aabot talaga ng taon bago ko ma complete ang story na isinusulat ko. Kaya sana... shhh ka na, okay? Nakahihiya naman kasi sa iyo kung ipu-publish ko na ’yong chapter na maraming error, ’di ba? Sa polished ko na gawa nga’y may nasasabi ka na, eh paano pa kaya kung madaming errors? RATATATATATTATTAT, ganoon? 😵💫