Minsan naiisip ko kung tapos na ba talaga ang era ko sa Wattpad, kung panahon na bang magpaalam at mag-graduate rito. Pero siguro, nakaukit na talaga sa puso ko ang pagsusulat. At hangga't may Wattpad at may mga kuwentong gusto kong ikuwento, mukhang dito pa rin ako babalik.