Hello everyone! Gusto ko lang mag apologize kasi sobrang tagal na ng huling update ko. Super busy talaga ako sa school lately tas medyo nakakamatay yung mga subjects ko this semester HAHAHA. Nakaka miss yung panahon na ang dami kong free time tapos araw araw akong nag upload. But I promise you guys, next week kasi last week na ng semester ko and winter break na after that. Doon ko na ipagpapatuloy at tatapusin yung libro bago matapos ang taon, kasi kating kati na po yung buong nervous system ko!! Mula neurons, nerves, hanggang brain cells (lahat sila nagmi meeting at sumisigaw ng “SUMULAT KA NA!”) isulat yung 2nd story ko na nabanggit ko sa notes. Lagi kasi pumapasok sa isip ko yung librong yon, but as I said, gusto ko pa po muna taposin yung My Rival bago ko sisimulan ang 2nd story ko. Ayon lang guys. Thank you so much sa pagiging patient niyo at sa paghihintay sa story ko. Pasensya na ulit dahil pinaghintay ko kayo nang matagal. Miss na miss ko na kayo! TOTOO PO YAN! Thank you.