Maligayang pagdating dito sa aking pangalawang propayl! 🎉 😊

Ako nga po pala si Erri Rier. Isang manunulat din subalit hindi ako manunulat ng historical fiction at isa lamang masugid na mambabasa nito.

Una kong nabasa na HistoFic dito ay ang Zombie Me Tangere ni SundaySiopao noong 2012. Sila kuya Lawrence087770, rikkipy at kuya HaringArawBooks naman ang mga sumunod na nakilala kong manunulat ng historical fiction noong medyo naging aktibo na ako rito sa Watty. Siguro mga bandang katapusan ng taong 2013 noon--hindi ko na gaano tanda.

Mahilig ako mangalkal ng magagandang babasahin sa HistoFic at nais ko silang ibahagi sa inyo. Dati ko ng ginagawa ang pagpo-promote ng mga undiscovered gems sa HistoFic sa pamamagitan ng pagkokomento sa mga naghahanap ng magandang babasahin daw. Iyon nga lang, hindi ko alam kung binabasa ba talaga nila. Pero sana nga'y oo.

Ngayon na lang ako uli naging sobrang aktibo rito sa Wattpad kaya ngayon ko lang nabuo ito--na sana ay noon pa pala. Ginawa ko ito upang maipakita ang aking malaking suporta sa mga manunulat natin sa HistoFic lalo na roon sa mga umalis. At sana ay bumalik. Sana. Sana.

"Pinatay mo ako dahil akala mo wala ng pag-asa dahil iyon din ang nararamdaman mo sa buhay mo. Pero mayro'n pa. Mababago pa natin ang lahat. MAGSULAT KA ULI." -Crisostomo/Simoun Ibarra (José Rizal the Movie, Marilou Díaz-Abaya Film 1998)

FACEBOOK PAGE: http://www.facebook.com/WattpadHisFicPH
TWITTER: @FicHisto
  • Gitnang Luzon
  • Đã tham giaNovember 23, 2018


Tin nhắn Cuối cùng
HistoFicReader HistoFicReader Oct 22, 2020 11:33AM
Akala ko hindi ko na mabubuksan 'tong account na ito magmula ng magka-issue ang Wattpad dati na marami ang kusang nala-log out at hindi na nakababalik. 'Buti na lang naisalba ko pa. Isang maganda at...
Xem tất cả các Cuộc Hội Thoại

Truyện của Erri Rier
Mga Dapat Mong Basahin sa HisFic Pilipinas bởi HistoFicReader
Mga Dapat Mong Basahin sa HisFic P...
Upang maipalaganap o maipakilala ang ilan sa mga magagandang kuwentong nasa malalayong bahagi; o kaya'y hindi...
ranking #259 thuộc thể loại historicalfiction Xem tất cả các bảng xếp hạng
Mga Hindi Malilimutan bởi HistoFicReader
Mga Hindi Malilimutan
Mga litanya, dayalogo o eksenang tumatak sa akin mula sa mga istoryang aking nabasa sa kategoryang historical...
#HistoFicKATANUNGAN bởi HistoFicReader
#HistoFicKATANUNGAN
Ano ba ang mga kailangan at hindi dapat sa pagsusulat sa genre na historical fiction? IPINASKIL: Ika-18 ng Di...
ranking #155 thuộc thể loại philippinehistory Xem tất cả các bảng xếp hạng
1 Danh Sách Đọc