Hello guys, Nawa'y natutulog na ng mahimbing ang iba satin at ang iba naman na mulat na mulat parin kakabasa ay sana'y nag eenjoy sa kabila ng kinakaharap na problema ng mundo ngayon.
Ako, bilang estudyante, dama ko ang lungkot sa pag kakansela ng klase. Madaming plano, at mga once in a life time events na di matutuloy dahil nito. Nakakalungkot dahil sayang yung mga memories na sana'y mabubuo namin sa kokonting araw na ititigil namin sa School. Grabe mamimiss ko ang STI.
May project pa kami na mag papafeeding program, sayang naman yung opportunity namin na matulungan yung mga bata kaugnay sa kalusugan nila.
at isa pa sa nakakaiyak, as a SHS Graduating student ay ang cancellations ng Graduation rites. Imagine after many years of hardwork minsan na ngalang umakyat sa entablado, suot ang toga kasama ang mga proud naming mga magulang, tapos wala.
Pero di doon natatapos ang lahat, syempre ang cancellations ay para din sa kaligtasan natin. Oo, nakakalungkot pero lagi nating tandaan na sa kabila ng lahat ng nang yayari ay dadating ang araw na mapapag tagumpayan natin ang laban na 'to, tuluyan nang mawawala ang COVID19, at makakapamuhay na uli tayo ng normal at matiwasay.
Keep safe wattpaders all over the wattpad world and to your families. Read books and enjoy travelling the world with imagination. Wag muna gumala sa labas ha. Mwa!