Sa aquin pong mga guiliw na mambabasa, pati na sa mga napapadaan lamang sa aquing perfil, isang paunaua: casalucuyan co pong finifino ang historiang Ang Princesang Vampira. Ibig sabihin nito'y magcacaroon ng may calaquihang pagbabago sa tacbo at pagcacaayos ng aquing historia.
Sadyang ganito ang pagcatha ng salaysay. Iyong unang cabanata ng historiang ito, ang Panimula, ay bunga ng lima o pitong ulit na pagbabago. Bucod pa rian, ito'y bahagui ng nauna cong borrador o draft na naglalaman ng tatlompung tapós na cabanata. Minabuti cong hindi ilimbag ang mga iyon dito dahil nadarama cong maaari co pang gauing higuit na nacacatacot ang mga iyon.
Caya asahan po naua ang mga pagbabago sa aquing historia. Lahat naman ng ito'y sa icagaganda, maguing sa icatatacot, ng Ang Princesang Vampira.