Sa bawat hibla ng aking pagkatao'y nakatatahi ang wagas na pag-ibig sa sining ng panulaan at kasaysayan. Ako'y isang binata, mapagmahal sa mga tula at mga aklat na naglalaman ng makulay na kasaysayan. Tila bituin sa kalangitan, kinikislap ng aking diwa ang mga talambuhay ng mga bayaning nagbibigay-diwa sa ating pagka-Pilipino.

Sa aking kamay, ang pluma ay tila sandata-makapangyarihan at puno ng damdamin. Madalas kong salaminin ang aking kaluluwa sa pamamagitan ng pagsulat ng talaarawan, tula, at kwento, na para bang ito'y isang ritwal ng aking pagiging manlilikha.

Ang aking mga paa ay likas na naglalakbay sa mga pook na makasaysayan-mga museo na nagsasalaysay ng ating nakaraan. Ang mga kuwentong natutunghayan ko sa mga lugar na ito'y nagiging inspirasyon sa aking pangarap na maging isang mahusay na direktor at manunulat ng mga script para sa pelikula. Bilang isang batang puno ng pangarap, akin nang nalasap ang karangalan ng pakikipagtunggali sa iba't ibang patimpalak: mula sa madulang pagbasa, dagliang talumpati, speech choir, debate, hanggang sa pagganap bilang pangunahing karakter sa mga dula. Higit pa rito, ako'y isang mang-aawit na nagpupuri sa Panginoon sa pamamagitan ng pag-awit sa simbahan. Ang bawat nota, bawat himig, ay nagpapalipad sa aking espiritu, nagiging tinig ng aking pananalig at pasasalamat.

Ito ang aking pagkatao-binhi ng sining, kasaysayan, at pangarap. Patuloy akong mangangarap, patuloy na maglilingkod sa sining, at patuloy na magsusulat ng ating mga kwento, upang magbigay-inspirasyon at mag-iwan ng bakas sa kasaysayan.
  • JoinedAugust 8, 2022