Naka transfer nga ako kanina lang. Kung ano kinuha ko sa unang school na pinasok ko gano’n din sa pinaglipatan ko. Sana ma enjoy ko itong college journey ko, haysss... Akala ko tapos na, eh. Grabe ba, wala talaga tiwala saakin ang mga ferson, baka raw mapariwara ako, mapa barkada at kung ano-ano pa. Gawin ko iyan, eh. Totohanin ko iyan, eh. Kasi pota nakakasabog ng utak na, iyong pagtitimpi at pagka inis ko naiipon na.
Gusto ko nalang bumalik sa pagsusulat kaso hindi ko talaga maharap, nagugulo tuloy ang plot ng story ko ng hindi ko napapansin. Late ko na narirealize, hays. Kung nasunod lang siguro ang course at school na gusto ko hindi ako problemado ng ganito. Worth it siguro stress ko kasi nasa university ako at naka focus sa course na gusto ko.