"Naririnig mo 'yon?"
"Ang alin?"
He firmly placed his hands on both sides of my cheeks to grab my attention and ensure that I was attentive.
"Ayon, ayon, yung 'kwak, kwak, kwak'." Furthermore, he forcibly held my eyelids to unveil my shut eyes.
"Oh, anong meron sa 'kwak, kwak, kwak'?" Inaantok na talaga ako. Inistorbo niya talaga ang mahimbing na tulog ko dahil lang sa kwak kwak kwak na 'yan?
"Sabi ng isa sa mga yaya ko, aswang daw 'yon."
"Kung ganoon, sisantihin mo na ang yaya mo na 'yan. Kung ano-ano ang pinapasok niya sa utak mo."
Niyugyog niya ang mga balikat ko. "Asahina, magseryoso ka," tila takot na batang sabi niya.
"Sige, sige, aswang tapos?"
"Sabi niya kapag malakas daw ang 'kwak, kwak, kwak', ibig sabihin nasa malayo, pero kapag mahina ibig sabihin ay nasa malapit na siya."
"Oh, tapos?" Ah, gusto ko na talagang bumalik sa pagkakatulog.
"Natatakot ako," niyugyog niya na naman ang mga balikat ko.
"Hindi totoo ang aswang. At kung totoo man 'yan, wag kang mag-alala, bago pa siya makalapit sa'yo, nasuntok ko na siya. Kaya matulog ka na."
"Yan na naman," takot talaga siya. "Humina na ang boses niya. Ibig sabihin nasa malapit na siya."
Tinakpan ko ang tainga niya.
"Ayan, wala ka nang naririnig kaya matulog ka na." Muli kong ipinikit ang mga mata ko.
"Asahina..." Ah, kulit talaga. Akala ko ba hindi naniniwala sa mga multo, aswang. Eh bakit natatakot sa hindi niya pinaniniwalaan?
"Asah---"
I grasped him by the waist, drew him nearer to me, directed his head towards my right shoulder, and rested it against it. Subsequently, I enclosed my hand around him and enfolded him in an embrace.
"Macraine, please matulog ka na. Hah, matulog ka na."
Link: https://www.wattpad.com/story/332417430?utm_source=android&utm_medium=link&utm_content=story_info&wp_page=story_details_button&wp_uname=jmortiff