"Mula sa mapang-aliping himig ng mundo, paganahin ang iyong isipan, gunigunihin na kunwari ay naririto ka sa daigdig ng pantasya.", Ito ang litanya ni Algae Mark Godes, isang manunulat na inihahambing ang sarili sa isang pulubi; gutom at uhaw sa mga kuwentong hinabi ng aral at diwa. Katulad ng ibong layang-layang na sumasayaw sa himpapawid, siya ay hindi hinihingan ng pahintulot sa paglikha. Malaya ang kaniyang panulat, sumusunod sa ihip ng damdamin, hindi ikinukulong ng takot, at hindi hinahadlangan ng mundong nagtatangkang dumurog sa pangarap.
Sa bawat tintang dumadaloy mula sa kaniyang panulat, may isang bahagi ng kaniyang pagkatao na inilalagay sa pahina. At sa bawat salaysay na kaniyang isinusulat, hindi lamang siya gumuguhit ng kuwento, kung 'di isang daigdig kung saan ang mambabasa ay malaya ring lumipad.
- JoinedDecember 19, 2024
- facebook: Mister's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
Stories by Mister Pulubi
- 7 Published Stories
BRUHA NA MAY ALAGANG MGA ASWANG
16
0
1
Sa isang liblib na baryo, may isang matandang bruha na may madilim na lihim... mga aswang na palihim niyang i...
+1 more
THE SIXTH SENSE
20
5
2
Sa abandunadong Unit 128, nananahan ang katahimikang may kasamang bulong; isang bulong na naririnig lamang ng...
YAMAN NG BULONG
10
2
2
Sa pagitan ng hangin at alon, sa tugatog ng burol na tila dambana ng kalikasan, naroroon si Uldurza-isang dal...
+1 more