Hello, readers.
Kumusta kayo? Sana nasa maayos kayong kalagayan, lalo na ang mga katulad kong nasa Mindanao at naapektuhan ng malakas na lindol.
Yes po, unfortunately, nasa state of calamity ang lungsod namin. Grabe, akala ko talaga end of the world na iyon. But thank God, buhay pa rin tayo, kahit isa ang bahay namin sa mga nasira dahil sa lakas ng lindol.
Hanggang ngayon, ramdam pa rin namin ang takot dahil sa sunod-sunod na aftershocks. If I'm not mistaken, umabot na yata sa 2,000 + ang naitalang aftershocks. Sana ligtas at maayos kayong lahat, at sana matapos na ito sa lalong madaling panahon.
Dahil sa nangyari, medyo matatagalan ako sa pag-update. Makakapag-update ako ngayon ng ATMQR, pero sa TTQC ay baka hindi pa muna sa ngayon. Madalas pa rin kasing mawalan ng kuryente rito. Hanggang ngayon nga, wala pa kaming natatanggap na tulong mula sa gobyerno. :((
Iyon lang. Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng naghihintay at patuloy na sumusuporta.
God bless sa inyong lahat, at ingat palagi.
–Luna