Blacks_Mixers

Hello! I'm done reading your first story “You belong with me” (hoping that you know me) So, una sa lahat ang kabuoan ng story ay maganda at cute. Bagay na bagay siya para sa mga teenagers o sa mga readers na nag hahanap ng cute na story. 
          
          But for me, common na ito ngunit kung lalagyan mo ng twist hindi siya magiging common pag dating sa'kin, kung lalagyan mo ng unexpected happened mas nakakaenjoy at excite cause honestly nung nabasa ko siya sa simula parang na hint ko na ang daloy ng kwento ngunit umaasa ako ng may mga pasabog ka ngunit nabigo ako. Kaya nasabi ko na common na kasi noong 2016 o 2015 uso ang ganyan na story kaya parang common at sa panahon ngayon hindi na ganyan ang nababasa ko kasi mature na na ang nababasa ko at walang na masyadong clingy. Then naalala ko ang sinabi mo sa simula (thanks for that) nag sisimula ka palang pala kaya naiintindihan ko. 
          
          Kapag gumagamit ka ng comma ( , ) huwag mo ihiwalay sa after niyang sentence. Example: Si ana ay maganda, matalino, masipag and etc. 'Yung sa'yo kasi ganito ka mag sulat. Example: Si ana ay maganda , matalino , masipag , and etc.
          

Blacks_Mixers

Huwag mo iispace o ihiwalay at kailangan mo talaga gumamit ng comma ( , ) kasi may mga convo dun na walang comma na kahit kailangan lagyan kasi kung hindi mo lagyan parang diruderitso siya basahin at hindi namin yun maiintindihan at magiging magulo. Huwag mo din kakalimutan mag lagay nito ( “ ” ) kasi may mga convo dun sa story mo nawala 'yan kaya magulo at hindi namin alam kung nag uusap ba sila o may sinasabi ang character. 
            
            Huwag mo hiwalayin after ng character ng sinasabi. Example: “I love you, Ana.” he whispered
            
            Ganyan dapat at 'yung sa'yo kasi ganito. Example: “I love you, Ana.”
            
            He whispered
            
            Nalito ako diyan honestly akala ko kasi mag kwekwento nanaman ngunit expresion pala ng character. 
            
            Huwag mo ihihiwalay si question kapag nag tatanong ang character, ganito kasi yung sa'yo. Example: “Sino ka ? " ×
            
            Dapat ganito. Example: “Sino ka?” √
            
            Huwag kang gagamit ng ganito. Example: “Blagg!!” 
            
            Parang pinapakita mo na merong nag salita na person at sinabi 'yan ngunit ingay pala ng pintoan o mesa o whatever.
            
            Over all cute ang story at ongoing pa nga lang. Habang ongoing pa mag improve ka at matutu sa mga pagkakamali mo at itama mo ito. Kailangan mo lang ng EDIT AT IMPROVEMENT lahat ng manunulat ay kailangan ng improvement kahit sikat pa na author 'yan. Lahat ng tao nag kakamali ngunit na itatama ito sa tamang panahon o araw. 
            
            Basta ang masasabi ko lang eedit mo siya kapag may time ka at sana may natutunan ka. Actually marami pa akong sasabihin kaso medyo busy ako kaya kinulang ako sa oras. I'm hoping also na matapos mo itong kwento at maedit mo siya upang pag dating ng tamang panahon makita kitang pumipirma sa sarili mong kwento at isa na ako sa mag papapirma ng book mo as reader.That's all! Thank you. (⌒_⌒;)
Reply