ito ang aking sikreto kung paano ko natutunan ang isang napakasarap na adobong manok
Mga Kailangan:
1k Manok (chicken ) hiniwa ng ayon sa gusto mo na laki
2 piraso patatas ( hiwain ng cubes style)
4 piraso dahon laurel
7 kutsara toyo (datu puti)
7 kutsara suka (datu puti)
6 piraso bawang (itabi ang 3 piraso)
1 buo na sibuyas ( hiwain at hatiin ) itabi ang kalahati
2 kutsara na mantika ( mamantika ang manok kaya iwasan ang paggamit ng marami)
Asin
Paminta buo at durog
Asukal na pula
Magic Sarap ( hindi ako gumagamit ng vetsin)
1 baso tubig
1 kutsara na cornstarch
Paraan sa pagluluto:
Pagsama-samahin sa isang kaserola o pan ang manok, toyo, suka, laurel, paminta buo,3 piraso bawang dinurog, sibuyas na kalahati e marinade ng magdamag o isang oras at pakuluan ito ng mga 10 minutes sa mahinang apoy para ang lasa nya tlagang lumabas
Isalang ang kawali at ilagay ang mantika. Iprito ang patatas at hanguin ito at itabi
Igisa ang manok na pinakuluan papulahin ang natirang bawang at sibuyas at kapag mapula na ihulog ang pinakuluang manok at hayaan sya na medyo ma fried sa sariling mantika at sa pinag pritohan ng patatas.
Ilagay ang sabaw ng pinagpakuluan ng manok at dagdagan ng isang basong tubig.
Hayaan kumulo ng 10minuto at lagyan ng cornstarch para ito ay lumapot at makintab tignan
Timplahan ng asin at asukal
Lagyan ng magic sarap at ilagay ang patatas