Mrxhxix10

Sa lahat ng nag follow sa akin. Maraming salamat po sa inyo. Di na po ako masiyado active sa pagsusulat. Sa mga new followers and readers ko. Salamat po sa inyo. 

Mrxhxix10

Sa limang kaharian may namumukod tangi sa lahat. Ang mundo kung saan ang mga tao ay may hangganan. Ang mundo kung saan ay may simple at karangyaan ang pamumuhay, kung saan ang bawat isa ay nasasaktan sa ngalan ng pag-ibig. May mga taong nagmamahal ng palihim at may mga taong sakim. 
          
          Sa mundong pinaghalo ang sakit at kasayahan sa iisang lugar, isisilang ang dalawang taong taglay ang kapangyarihan ng apat na kaharian. 
          
          Nang malaman ng bawat kaharian ang balitang ito, agad nilang ipinadala ang magagaling, nagsisikisigan at naggagandahan at ang mga matatalino nilang prinsipe't prinsesa. Nagpadala ang bawat kaharian ng tigdalawa. Isang pares bawat kaharian, at magiging asawa nang bawat pares kung sino man ang makaunang makakita sa dalawang taong makapangyarihan. 
          
          Lingid sa kaalaman ng lahat. Itinago ang bagong silang kambal upang protektahan laban sa isa pang kaharian. Ang kaharian ng mga itim ang budhi, kung saan pinapaslang ng mga ito ang apat na tagapagmana ng bawat truno. Kung saan nagtanim ng takot sa apat na kaharian. 
          
          Ang bagong silang kambal na ba ang puputol sa takot nang apat na kaharian? Sila na ba ang susi para mawala ang kasakiman, sakit na nagdudulot sa bawat isa? Mababago ba nila ang mundo? Mawawakasan ba ang kasamaan sa mundo o mamumuhay ng payapa ang bawat isa o magdudulot ito ng isa pang bagong trahedya na yayanig sa bawat kaharian. 
          
          
          

Mrxhxix10

PAALAM NA SA'YO
          
          
          
          Kailangan kong matutuhan na mahalin ka hanggang malayuan lamang. 
          
          Kailangan kong matutuhan na ang "ikaw at ako" ay hindi pwedeng maging tayo. 
          
          Nakangiti man ako sa iyong paningin ngunit nasasaktan din. 
          
          Gusto kitang makita kaya lang, naalala ko na walang tayo sa gitna. 
          
          Ako ang unang nagkagusto sa'yo, unang Kita pa lamang, alam kong may gusto na ako. 
          
          Ewan ko ba't sayo pa ako nagkagusto? 
          Anong meron sa'yo at ako'y mas lalong lumulubog. 
          
          Hindi mo man ako kayang saluhin. 
          Sasaluhin ko na lang sarili ko. 
          Hinulog mo, hindi mo man lang sinalo. 
          Kaya ito, parang baliw na baliw sa'yo. 
          
          Kailan ulit kita makikita upang sabihin sa'yo na PAALAM NA. 
          
          Paalam na dahil kakalimutin na kita. 
          Isang paalam kung saan ako'y nakangiti ng harapan para ipakita sayo na malakas ako. 
          Malakas lamang sa harap mo. 
          Pero hindi sa kalooblooban ko. 
          
          Kaya ginawa ko ito para sa'yo, upang maparating kung anong nararamdaman ko. Ang nararamdaman kong matagal ng nakatago dito sa puso ko. Hinimbing ko ito sa pagtulog at binalewala para hindi masira ang pagkakaibigan na nabuo. 
          
          Ngunit, anong ginawa mo? Ginising mo ang natutulog na nararamdaman ko sa'yo. Anong ginawa mo? 
          
          Kailangan kitang kalimutan
          Kaya ako'y namamaalam sayo ng lubusan. 
          PAALAM na sa'yo 
          PAALAM sa alaalang ating pinagsaluhan 
          PAALAM na sa'yo.
          Kalimutan na ang aking nararamdaman. 
          Dahil hindi mo kayang suklian ngunit ako'y nagpapasalamat at nakilala kita bilang isang kaibigan. 
          
          PAALAM NA SA'YO, 
          Aking kaibigan
          
          

Mrxhxix10

@Guizher15  do not plagiarized
Reply

Mrxhxix10

Recommend a good book [My Japanese Boss] A sixteen years old Elaiza Recuelles applied janitress in the biggest company in the country.  She b... Click the link below to read it for free, enter my invitation code 2375548 to get 30000 coins for free. https://t.co/qRC3tCiXgu

Mrxhxix10

@ElenorFernandez0 thanks sa pag-follow
Reply

Mrxhxix10

@ElenorFernandez0 nasa 19.7K reads na po. 
Reply