Dearest SAYO,
Mahal kita. Alam ko parepareho ang content nitong sasabihin ko. Bwehehe. Pero sorry, ganoon talaga. Magtampo ka kung hindi ka nakatanggap ng mensaheng ‘to. Kasi ibig sabihin, nakalimutan kita talaga. De, joke lang. Dalawang batch ‘to. May pang – umaga, may panggabi. Kaya kung nakatanggap ka kaninang umaga, ngiti naman diyan oh. Ibig lang sabihin nun, isa ka sa nagpapaganda sa umaga ko. Kung kasama ka naman sa panggabi, ibig lang ding sabihin, bampira ka. Kaya kita pinadalhan kasi nga bampira ka ring tulad ko at nakakajamming kita sa gabi. Wooh! Parteh parteh. Alam mo ba kung bakit ako malungkot kahapon? Malamang hindi. Pero seryoso, naiinis kasi ako. Ako yung naatasang magcompile ng reviewer para sa isang subject namin. E hard! Isipin mo, 11 topics yun, tapos aayusin ko into a handout form. Tapos doon sa group namin, isa o dalawa man lang ang nagpasalamat? Huwaw lang. Pero sige, malay ba natin baka busy lang sila kaya pati pagpapasalamat, nakalimutan na nila.
Anyway, kamusta ka naman? Alam mo ba na masaya na ko ngayong araw? Malamang hindi. Bueno, ikekwento ko nga. Ganito kasi yan. Ehehehe. Kung nagbabasa ka ng Usapang Lasing, may makikita kang bad news doon. At malalaman mo yung mga ka – echusan na pinagdadaanan ko. Tingin ko, sa nakalipas na 12 buwan, magkakaroon na ng solusyon lahat ng problema ko. At tingin ko, magkakaroon na rin ng katuparan ang mga dasal ko sa Panginoon. Yikee! Tagalug na Tagalog na naman ‘tong sinasabi ko. Huwaw lang. Bwahahaha. Xd
At iyon nga, patawad naman kung ako’y pabagu – bago ng mood nitong nakakaraang araw. Buntis ata ako e? Naglilihi ako sa anak namin ni Kim Bum. Ninang ka ha? Wag kang umangal. Ang umangal, titigpasin ko leeg tapos babalatan ko ng buhay at ipapakain sa mga pating sa dagat. ^___^
Inuulit ko, mahal kita. :D Hindi ka man maniwala, pero salamat kasi, isa ka sa mga nagbibigay sigla at saya sa aking buhay.
© CorrectionFluid.