Niajel

Ako'y iyong panandaliang silungan  noong hinahanap mo pa lamang ang iyong sariling tahanan.
          	
          	-nia.jel

Niajel

Ngayon naiisip kong kitain ang mga kaibigan ko. Nakakamiss pala yung malaya kaming nagbobonding kahit konti o walang pera. Ang saya ko noon ay totoo. Ngayon di ko na makilala ang babaeng humaharap sa madaming tao. Ang galing ko sigurong artista sa harap nila. Dahil wala man lang sa kanilang nagsabing di ako ang nasa harapan nila. Walang nagsabing malaya ka noong ipinapakita ang iyong nararamdaman ngunit ngayon mapagkunwaring ngiti ang iyong pinapakita.  Wala ni isang nakapansing ako'y gumagamit na ng maskara.