Si Otep Zablan nasa sapat na taong gulang, pero hindi na sapat ang pag-iisip (lol) simula noong iniwanan s'ya ng taong kinabaliwan n'ya, na akala n'yang sasalo at tutupad sa pangarap n'yang tapat at huwarang pag-ibig. Pero sa kabilang banda, ito pala'y isang pawang panlilinlang lang at nauwi lang sa isang madilim na bangungot.
Hilig niya ang pagsusulat kaya nabuo n'ya ang pook-sapot sa wordpress.com na pinamagatang 'Libre lang Mangarap'. Mula sa mga salitang 'yan, alam n'yo na kung bakit.
Marami s'yang sinalihang patimpalak sa patungkol sa blogging noon. Pero ni-isa ay wala s'yang natanggap na parangal dulot ng pagiging ambisyoso n'ya. Lahat hinog sa pilit kaya hindi ganoon kaganda lahat ng output n'ya. Ganoon pa man, nakuha n'ya ang titulong 'Bloggers Choice Award' sa Philippine Blog Awards taong 2019 sa tulong ng mga blogistang nauto n'yang iboto s'ya. haha.
Sa kabila ng lahat, patuloy pa rin sa pagsusulat si Otep. Hilig nito ang paglalakbay na tema dahil isa din s'yang lakwatsero, kahit wala naman itong pera. Kaya naman sa unang k'wento nya dito sa Wattpadd ay patungkol sa paglalakbay.
Sana samahan at maibigan n'yo ang likha nya. Ikalulugod nya kung magiiwan kayo ng bakas sa bawat kabanata na nilikha nya.
Salamat.
- JoinedDecember 18, 2014
- facebook: Otep's Facebook profile
Sign up to join the largest storytelling community
or
Stories by Otep Zablan
- 14 Published Stories
PAANO AWAYIN ANG DEPRESSION?
0
0
1
Isang sanaysay kung paano iwasan ang depresyon.
#80 in tips
See all rankings
ANG ALAMAT NG SAMPALOK
35
0
1
Isang maikling kwento o alamat patungkol isang bunga ng puno na tinatawag na sampalok.
#3 in kwentongpambata
See all rankings