Kung may mairerekomenda man po ako para sa kabuuang daloy at pacing ng inyong akda, napapansin ko po sa ilang kamakailang kabanata na medyo mabilis ang paglipat ng mga tagpo, tulad ng mula sa mabigat na courtroom trial patungo agad sa magaan na romansa. Minsan po ay parang kulang ang oras para tuluyang madama ng mambabasa ang bigat o emosyon ng isang eksena bago tayo tumalon sa susunod na sitwasyon.
Dahil lumalawak din ang kwento kung saan andito ang alitang pampamilya, ang paglilitis, ang love triangle, at ang banta ng Katipunan, may mga pagkakataong nag-aagawan sila sa atensyon. Kung minsan po ay natatakpan ng romansa ang napakalaking banta ng paparating na digmaan at ang panganib ng pagiging iba ni Ysabel sa mata ng mga Kastila.
Naniniwala po ako na kapag mas nabigyan pa ng dahan-dahang build-up ang tensyon sa pagitan ng kasaysayan at ng modernong kaalaman ni Ysabel, mas lalong magiging solido ang inyong gawa. Salamat sa inyong dedikasyon sa pagsusulat at sa pagbabahagi ng kwentong ito sa amin! Patuloy po akong magbabasa at sumusuporta sa inyong pluma. Pagpalain po kayo!