Gusto ko umiyak hanggang sa wala nang tutulong luha. Gusto kong sumigaw hanggang sa wala nang boses pang lalabas. Gusto ko, maranasang maging masaya, maging kuntento sa kung ano meron ako. Maging ibang taong pinapangarap ko. Pero nalikha ako sa pagiging ako at may purpose sa mundong ito. Pero hindi ko alam kung ano. Ano nga ba ang silbi ko sa daigdig na ito? Gusto kong ipagsigawan sa mundo na ito kung gaano ako kalungkot, kung gaano ako nasasaktan sa mga ginagawa nito sa akin. Gusto kong pakiusapan, sigawan ang bawat taong makakasalubong ko na tulungan ako... tulungan akong maging masaya.. tulungan akong maresolba ang problema.. tulungan akong lumaban. Pero parang wala yatang nakakarinig, wala yatang mag-aatubiling lumingon at tingnan ako sa mata at magsasabing, AKO, pwde kitang tulungan. Aalisin ko ang lungkot sa puso mo, ako ang magpapasaya sa'yo. PERO. Wala. Walang ganun. Walang maglalakas-loob dahil I'M SUCH A LOSER. I don't deserve to be HAPPY. I'm a fool and did things the wrong way. I'd never had the chance to praise myself, my worth to this deceitful globe. I'm such a type of person who does not easily satisfied with the things he sees, he hears and feels. Bakit? Hindi naman ako ganito dati. Bakit sa isang iglap NAGBAGO ang lahat. Di sa oa ang pagkakasabi ko pero ganun talaga at di ko maipaliwanag kung paanong naging ganun. Darating pa ba ang araw na sasaya na ako ng totoo? ng tunay at walang halong pagpapanggap? Yung tunay ang tawa at masaya talaga? Hanggang ngayon, hinihintay ko pa rin ito at maghihintay pa rin ako.~