RomanceFeveeeer

Oh siya, uwi na.
          	
          	Uwi na 'yung pati pagbagsak ng mga dahon, ikinatutuwa. Uwi na 'yung mahilig maggawa ng spoken poetries, poems, and prose para mag-vent. Uwi na 'yung mahilig mag-paint. Uwi na 'yung idinadaan sa dasal ang lahat. Uwi na 'yung natututo sa sariling pagkakamali imbis na mag-self-sabotage. Uwi na 'yung mas naglalaan ng oras sa sariling habits kaysa sa ibang tao. Uwi na 'yung kayang maging masaya nang mag-isa. Uwi na 'yung hindi nag-o- overanalyze ng kung ano-ano. Uwi na 'yung mahilig kumanta with guitar tapos kanta ni ate Belle Mariano/ate Patch Quiwa. Huwag nang hayaan na diktahan ng iba o ng mga taong nakapaligid sa'yo kung sino ka, kahit 'di ka man nila ma- appreciate. Uwi na, dali...Napaka hirap mawalay sa sarili.

Graduate na'ko
          
          Graduate na'ko. Hindi na ako naiilang dumaan sa hallway kung saan madadaanan ang classroom niyo. Hindi na ako kabado araw-araw sa school na makita ka. Hindi na ako kabado na nakasalubong ka. Hindi na ako takot na baka isa ka sa tao sa paligid. Hindi na ako naiilang magbasa tungkol sa mga main character na tumutugtog ng intrumentong katulad ng sa'yo. Hindi na kita kinukumpara sa mga taong nakakasalamuha ko. Hindi na kita hinahanap-hanap. Hindi ko na bitbit ang nakaraan natin. Hindi ko na iniisip kung kamusta ka na ba o kung anong ginagawa mo. Hindi ko na iniisip kung bakit mo 'yun ginawa.
          
          Graduate na'ko, tapos ko nang pag-aralan pa'no gumaling sa sakit na naranasan ko, at natuto ako.

RomanceFeveeeer

Nakakatuwa lang na ang mga sinulat ko noon dito na iniyakan ko, pinagtatawanan ko na ngayon. Nakakatuwa na iba na ang paraan ng pagiisip ko noon ngayon. 
          
          "Hindi ko kayang wala siya."
          
          Edi ikwento mo sa mga Youth programs and organization na nasalihan mo pagkatapos mong sabihin 'yan, siraulong bilat.

RomanceFeveeeer

Sa totoo lang, masakit magtapos ng taon na hindi na kasama ang mga taong kasama mong sinimulan ito. Sa totoo lang, hindi ko naisip noon na hahantong sa ganito na hindi na kita kapiling pa. 
          
          Masakit---pero hindi na mahirap. Kapag nagpanggap akonv hindi masakit, lalo akong mahihirapan.
          
          Napagtanto ko na hindi ko kailangang makalimutan ang mga naganap---kailangan ko lang matuto at hindi na maging apektado. 
          
          Ganoon naman talaga, bilang isang puno...may mga sangang napuputol.
          
          Ganoon talaga, at tanggap ko na.
          
          Tapos na ang lahat. Nandito pa din ako. Pero hindi ibig sabihin noon na hindi ko na mararamdamang wala na kayo--wala ka na. Dahil normal na tao lang akong nagbigay ng halaga sa inyo bilang parte ko.
          
          Siguro nga, hanggang doon na lang iyon.
          
          Kaya ang lagi kong hinihiling sa Panginoon, kahit papaano...ilayo na niya ang loob ko sa inyo. Alam kong malayo na din ang loob mo sa akin. Sana,hindi na ako maging apektado.

RomanceFeveeeer

@RomanceFeveeeer indeed, buti na lang hanggang doon na lang iyon.
Reply