Hello! Dadaan lang ang mensahe na ito sainyo pero sana ay basahin ninyo.
Today, nasubukan kong maranasan ang mag-palpitate dahil nasobrahan sa kape + puyat at pagod ang katawan. Alam ko na hindi natin maiiwasan na gawing pampagising ang kape pero dahil sa naranasan ko kanina ngayon pa lang ay sasabihin ko ng huwag ninyo ugaliin. Naabuso ko ang aking kalusugan, napagtanto ko na hindi porke bata ay exempted ako sa mga sakit sa kalusugan. Sobrang mali! Dapat hanggang bata pa tayo ay inaalagaan na natin ang ating sarili kasi once na magkaedad na ay maglilipana na ang mga senyales na humihina tayo physically. Kung abusado ka sa katawan mo noong bata ka pa lamang ay magkakaroon iyon ng reaction sa buong sistema mo. Health is wealth! Kapag naging sakitin ka, kahit gaano pa kataas ang achievement mo talo ka pa rin.
Wala pa ring tatalo sa pahinga, kung inaantok ka edi itulog mo. Huwag manghinayang sa kakarampot na oras kung ang malalagay naman sa peligro ang buhay mo. Hindi biro ang over fatigue dahil may nakamamatay ito. Sana ay magsilbi itong paalala para sa mga makakapagbasa nitong liham.