TaongSorbetes

Strongest Powerless, Chapter 9 link: https://youtu.be/_xUg6BclX-s

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          Chapter 31
          
          MAKIKITA nga sa gitna ang mga manlalaro ng magkabilang team na naglaban. Sina Baron nga ay ngiting-ngiti na may kasama pang marahang pang-aasar sa kalabang sina Gamboa at Gomez nang magkamayan sila.
          
          “Baka gusto ninyong larong kalye na lang tayo… Para doon, walang epek-epek ang pag-flop ninyo,” sambit pa nga ni Baron na kinamayan si Gamboa na nawala na ang angas dahil sa kanilang pagkatalo.
          
          “Napakayabang mo naman Semeron, binangko ka nga sa last minute… Binuhat ka lang ng kasama mo,” pasaring naman ni Rayos at dito naman biglang sumagot si Romero.
          
          “Tapos na ang game, baka magsuntukan pa kayo sa labas? Hindi na kayo bata!” sambit naman ni Romero na kalmado lang na kinakamayan ang mga manlalarong kanyang nalalampasan.
          
          “Tama na nga iyan, bumawi na lang tayo sa sunod. Unang game pa lang ito,” sabi naman ni Lastimosa na nasa dulo ng pila. Nginisian pa nga siya nina Karlo, Baron at Mover nang makipagkamay siya sa mga ito.
          
          Full chapter link: https://youtu.be/-4TxLbMsv2o

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          Chapter 30
          
          HINALIT ng bola ang basket nang maipasok pa ni Mendez ang bonus shot. Tagumpay nga ang kanyang four-point play, na naging dahilan upang ang lamang nila ay tumaas na sa anim na puntos. Dito na nga rin sumilbato ang referee dahil isang substitution ang nangyari. Pinalabas na ni Coach Barcebal si Lanete at ipinasok si Gamboa na ikinaseryoso ni Isiah.
          
          Tinapik pa nga ni Coach Barcebal sa pwetan si Lanete. “Magpahinga ka na…”
          
          “Sorry coach…” sambit naman ni Lanete. Sumenyas naman ang kanilang coach at si Venturina ang tatayo bilang sentro habang si Rayos ang mapupunta sa power forward. Si Gamboa naman ang mapupunta sa dos.
          
          “Wala na akong choice kundi gawin ito,” sabi na nga lang ng coach ng Occi at dito na nga nagpatuloy ang laro.
          
          “Pumasok ka rin,” sabi naman ni Baron na sinenyasan si Sanchez. Tumango naman si Drei at dito na nga sila nagpalitan ng pwesto.
          
          
          FULL CHAPTER LINK: https://youtu.be/-xK5lBrCHBo

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          Chapter 29
          
          PITONG minuto na lang ang natitira sa laban ng Mangyans at Blue Phoenix. Lamang nga ang Occi ng anim sa score na 85-79, at ito ay dahil sa anim na sunod na pagpuntos ni Kyle Lastimosa na nagsisimula nang papagain ito.
          
          Si Coach Isiah nga ay tatawag na sana ng time-out kung makakapuntos muli ang Occi, kaso nagawang maiwasan ni Ricky ang biglaang steal na ginawa ni Lastimosa. Marahang ngumiti si Ricky at nilampasan ang marahang napadiretsong si Kyle. Naitawid nga ni Mendez ang bola sa side nila at sa pagdating ni Lastimosa sa kanyang likuran ay bigla niyang ibinato sa sahig ang bola. Dumaan iyon sa harapan ni Gomez at tumalbog papunta kay Marky na mabilis na dumiretso sa basket matapos na ikutan ang katapat nito. Isang bounce pass iyon na nagpaseryoso sa mga manonood dahil dumaan ito sa pagitan ng ilang mga players.
          
          FULL CHAPTER Link: https://youtu.be/T50KgukoD7M

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          Chapter 28
          
          SA PAGTATAPOS ng ikatlong quarter ay malinaw na nasa Occidental Mindoro team ang momentum. Sabihin na ngang isa lang ang lamang nila, pero nagawa nilang malampasan ang score ng Calapan City hanggang sa matapos ang third quarter. Maririnig nga rin sa loob ng venue ang malakas na cheer para kay Kyle Lastimosa. Pag-upo nga niya sa bench ay napangiti agad sa kanya si Coach Barcebal dahil sa mga nangyari.
          
          Walang-takot lang namang pinosterized ni Lastimosa sina Agoncillo at Magboo sa pagtunog ng buzzer. Pagpapakita raw ito ng lakas, ng kakayahang hindi basta mapipigilan.
          
          “Mukhang buburahin niya ang record mong ginawa kaninang umaga,” sabi naman ni Jeric Salonga sa katabi niyang si Henrick. Narinig kasi nila na 45 points na ang nagawa ni Lastimosa sa unang tatlong quarter at may natitira pang 4th quarter na kung saan ay dito raw ito lalo humahataw ng mga clutch plays. Iyon ay kung magiging dikit pa rin ang score hanggang sa dulo ng laban.
          
          “Posible iyon…” sabi naman ni Ramirez na napatingin sa bench ng Calapan.
          
          “Mukhang talo na ang Calapan sa unang game nila. May magagawa pa ba ang isang Mendez na may apat ng foul?” tanong pa nga ni Ramirez sarili, lalo pa’t alam niyang mas magandang maayos pa rin ang pagdepensa ni Mendez. Ang apat na foul na mayroon ito ay siguradong gagamiting advantage ng kalaban sa oras na maglaro ito. Isang solid na target ito kapag nasa Occi ang bola at pangit na senaryo ito para sa Blue Phoenix.
          
          FULL CHAPTER LINK: https://youtu.be/fMInM4rFeFc

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          Chapter 27
          
          KANYA-KANYA ng opinyon ang mga manonood dahil sa naging hatol ng referees sa nangyaring gulo sa game ng Blue Phoenix at Mangyans, lalo na ang mga players ng ibang team na nanonood ng laban. May pabor, at mayroong ding parang hindi natuwa sa nangyari. Ejected ba naman sa laro ang ace player ng Calapan City, at parang ang bias daw ng pinataw dito na ejection.
          
          “Kaso, magpapatuloy pa rin ang game nang wala si Romero,” sabi na nga lang ni Henrick.
          
          “Nasa bench din si Mendez, at dahil may Lastimosa ang team ng Occi, ay baka mabaliktad pa ang score bago matapos ang quarter na ito…” dagdag pa nga ni Ramirez na napatingin din sa bench ng Calapan para pagmasdan si Mendez. Unexpected ang nangyari, at baka hindi raw maging productive sa depensa ito sa oras na ipasok sa game. Isang foul na lang kasi at magpapahinga na rin ito sa laro dahil apat na ang nakuha nito.
          
          FULL CHAPTER LINK: https://youtu.be/70EbgCHPQjQ

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          Chapter 26
          
          NAGKAROON ng substitution ang Occidental Mindoro Team. Inilabas nga nila si Lazaro at isang 6’6 na player ang ipinasok nila. Semi-kalbo ang gupit ng buhok nito at makapal ang katawan kung ikukumpara sa kasing-tangkad nitong si Ibañez.
          
          Napangiti naman sina Gomez at Gamboa nang ipasok na ng kanilang coach si Ven Rayos. Napangiti pa nga ito nang pasimple nang magkatinginan sila. Sumenyas nga rin si Vincent, sa direksyon ni Mendez at tumango naman agad si Rayos.
          
          “Mukhang gusto na rin nilang makipagsabayan sa bilis ng mga players ko. Itong si Rayos ay hindi nila pinaglaro noong exhibition game, at bago lang din daw ito sa team ng Occi, based sa nakuha kong infos ng mga players nila,” sabi naman ni Isiah sa kanyang sarili.
          
          “Kailangan ko ng gumamit ng kaunting dahas para masira ang momentum na ginagawa ng team ni Isiah. Hindi pwedeng magpatuloy ito,” sambit naman ni Coach Barcebal sa sarili na napatingin sa ipinasok niyang si Rayos. Napatingin nga rin siya kina Gamboa at Gomez.
          
          Full Chapter Link: https://youtu.be/JdmA3RleHQI?si=PZNr9YSg7DoYW02l

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5
          
          KB5 C25
          
          Chapter 25
          
          “ANO ba ang main purpose ng paglalaro mo ngayon Ricky? Naalala ko, noong nasa CBL ka, noong nagsisimula ka… ay dahil sa babae, tapos naging dahil kay Andrea.”
          
          “Noong OMPL, ay parang comeback league mo naman…”
          
          “Ngayon, sa MIMAROPA League? Wala ka ng dapat pang alayan ng laro, I mean, hindi ka na palaging mapapanood ni Andrea. Isa pa, okay na rin kayo at going strong. Naglalaro ka na lang ba ngayon dahil gusto mo?”
          
          “Kung iyon ang reason mo… Hindi mo na kailangan pang galingan dahil magaling ka na para sa iba…” seryosong ngang winika ni Macky kay Ricky noong halftime break.
          
          Kung iisipin ay walang malinaw na gustong mangyari si Mendez sa pagpunta rito. Kung noong OMPL ay ang maging pinakamagaling sa OrMin ang gusto niya dahil sinabi niya kay Andrea, na masasabing nakuha rin naman niya dahil nag-champion sila… kaso, ngayon ay parang hindi sapat na gusto lang niya o gusto lang niyang makaharap ang mga mas malalakas pang players. Tapos, ang mag-champion naman ay normal na layunin lang ng sinumang manlalaro.
          
          FULL CHAPTER Link: https://youtu.be/8WDu4X6Edrg?si=P6r-Z6xYO13HIZih

TaongSorbetes

KINBEN BOOK 5 By Taong Sorbetes
          
          Chapter 23
          
          ANG PAGBALIK ni Kyle Lastimosa sa loob ng court ang nagbigay ng momentum sa Mangyans na ikinagulat hindi lang ng kalaban, kundi maging ng mga kakampi niya.
          
          “Ang boring mong kalaro Kyle…”
          
          Habang naglalakad nga si Kyle papunta sa bench nila ay bigla na lang niyang naalala ang sinasabi sa kanya ni Kyrie nang huli silang maglaro ng basketball. Isa iyong one-on-one game at kahit tinalo niya ito ay nagawa pa rin nito iyong masabi ni Kyrie sa kanya. Hindi niya alam ang ibig-sabihin noon, at hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin siya sa mensahe noon. Nangyari ito, ilang taon na ang nakakaraan.
          
          Mas magaling siyang maglaro ng basketball kung ikukumpara sa kanyang kakambal, kaso sa hindi maipaliwanag na dahilan ay pakiramdam niya ay mas magaling si Kyrie sa kanya. Magmula rin nang araw na iyon ay hindi na nakipaglaro ng basketball sa kanya ang kakambal niyang ito.
          
          FULL CHAPTER Link: https://youtu.be/je4WgmcVubw?si=IQlWZDTvf9jH3rWy