Hi, my lovely chiquitas!
Kumusta kayo? Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag-update, pero sobrang nakakataba ng puso tuwing nababasa kong may naghihintay at nag-aabang pa rin sa nobelang ginagawa ko. Dahil sa inyo, laging ginaganahan ang puso ko na magpatuloy sa pagsusulat.
Gusto ko lang magbigay ng quick update. Sa ngayon, graduating student na po ako sa kolehiyo at malapit na ring sumabak sa Board Exam para sa Nursing. Gustuhin ko mang magsulat nang madalas, palagi akong natatambakan ng mga gawain sa school, bukod pa sa puspusang paghahanda para sa Nursing Licensure Exam (NLE).
My lovely chiquitas, magpapaalam muna ako nang ilang buwan. Babalik ako, pangako ’yan. Tatapusin natin ang "Afterpain". Ang totoo niyan, marami na akong naka-draft na kuwento na hindi ko pa mailabas. I-clutch ko lang talaga itong board exam, at babalik ako para magpaulan ng updates!
Sa ngayon, baka madalang o minsanan lang ang mapopost ko, depende kung may maisisingit na oras. Maraming salamat sa walang sawang suporta ninyo. Hanggang sa muli!
Love,
TheDreamerO1 (YourSecretChinita)