i'm really glad you decided to reply at wag ka mag-alala, gusto ko ng madaldal at madaldal din ako. saka, di naman nabawasan ang cool factor mo :)
i just read your story and i liked it, actually. maraming internal monologues at paghimay ng feelings sa mga sinusulat ko at gusto ko rin makabasa ng mga ganong work. un ang nakita ko sa work mo kahit 2ch pa lang kaya nagustuhan ko. :)
don't ever be ashamed of your work. your work, kahit hindi base sa buhay mo o sa mga kakilala mo, is and will always be a piece of you and you should be confident and proud of yourself. after all, posibleng lahat may pangarap gumawa ng stories pero hindi lahat kayang isulat ito, much less tapusin.
i really hope matapos mo ang kwento mo at sobrang nakakaantig ng puso na nagustuhan mo yung mga sinulat ko at na-inspire ka sa mga ito. honestly, may ilang moments sa stories ko na hango sa buhay ko o sa kakilala ko and i found it liberating na nakuha ko silang isulat. i'm sure makakamit mo rin ang feeling na yun as long as you don't give up.
maraming salamat ulit! keep on writing at aja fighting!
xoxo
p.s. see, madaldal din ako. hehehe.. :)