Tulad niyo'y isa rin akong mambabasa't manunulat. Noong baguhan pa lang ako sa Wattpad ay nahirapan akong makahanap ng mga istoryang pasok sa panlasa ko't mga kaibigan na maaari kong makausap dito. Napakarami na kasing mga istorya't mga kasapi rito (Wattpad), at lahat ng kasali rito'y may iba't iba rin namang hangarin. May iba na gustong magsulat lang, may iba na gusto lang magbasa, at may iba naman na ang gusto'y magkaroon lang ng makakausap o kaibigan.

Naniniwala ako sa kakayahan ng bawat manunulat dito sa Wattpad, kaya naisipan kong gumawa ng isang komunidad na naglalayong maipakita ang galing ng Pilipinong manunulat. Sa komunidad na ito, marami kang makikilala, marami kang matututunan, at magkakaroon ito ng epekto sa iyong istorya. Ngayong pormal na nagsisimula pa lang ang komunidad na ito'y tanging "Member's Corner" pa lang ang narito, kung saan makikilala mo ang mga miyembro ng komunidad, pero kapag dumami na'y saka ko ilalabas ang book club, mga pa-kontes, opinion corner, promotion page, book cover shop, at marami pang iba.

Mabuhay ang Pilipinong manunulat!
  • Philippines
  • JoinedMarch 4, 2016


Last Message
WPfilipinocommunity WPfilipinocommunity Mar 22, 2016 09:54AM
Hindi ko sinimulan ang "The Filipino Community" para lang magkaroon ka ng mga bagong kaibigan, gusto ko ring maibahagi mo ang inyong istorya sa iba pang mga Pilipinong kasali rito sa Wattpad. Malay m...
View all Conversations

Stories by The Filipino Community
TFC: Meet the Members by WPfilipinocommunity
TFC: Meet the Members
Kilalanin ang mga Pilipinong manunulat dito!
ranking #59 in answers See all rankings
TFC: The Guide Book by WPfilipinocommunity
TFC: The Guide Book
Gusto kong maging maayos at matiwasay ang komunidad na ito, kaya gumawa ako ng mga set of rules para sa ating...
ranking #485 in writer See all rankings