Happy 2nd anniversalhey to me and My Moon! Dalawang taon na pala akong nagsusulat? Hindi ko man lang namalayan huhu. May mga nasulat ako at nailimbag rin. Nakakatuwang alalahanin ang araw kung kailan ako nagsimula. Panahon na wala pang alam at masayang nagsusulat, walang inaalala, tuloy-tuloy lang. Masaya, malungkot, at halo-halo ang emosyon na naranasan ko sa aking paglalakbay bilang isang manunula(t). Nakatapos ako ng tatlong poem anthology, isang short story, isang mahabang tula. Meron ring dalawang on-going novels sa genre na teen fiction at isang poem anthology na patapos na. Nailimbag ko rin ang aking pinakaunang akda na pinamagatang My Moon na isang poem anthology tungkol sa buwan na ngayon rin ang ika-dalawang taon nito. Sobrang nakakatuwa at grateful ako sa experience na hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na nagawa ko. Sino naman ang mag-aakala na sa loob ng dalawang taon ay patuloy akong nagsusulat at nagawa ring magkaroon ng sariling libro na dati ay biro o pangarap ko lamang. Maraming salamat sa tumulong at naka-appreciate sa mga gawa ko kung hindi dahil sa inyo baka tumigil na ako sa pagsusulat. Sana sa taong ito marami pa akong maisulat, ma-achive at mga opportunities na dumating. Thank you with love sa lahat lalo na sa aking Bubblheys! Happy 2nd Anniversalhey