Nakadamit sinauna ako naka-baro't saya na kulay dilaw at nakalugay lamang ang aking buhok. Nakayuko ang ulo ko sa isang mesa na parang natutulog, at ang iniisip ko ay 'yong lalaking parating nasa isip ko in "real life" dahil bigla nalang siyang nawala na parang bula at ako'y nasasaktan dahil sa nangyari sa amin. Habang ako'y nakapikit hindi ko namalayan na may lalaking tumabi sa akin at sinandal ang kanyang ulo sa ulo ko kaya ewan ko kung ba't may nahablot akong cellphone at parang vi-nedio ko pa kung sino ang sumandal sa ulo ko at sa sandaling nakita ko ang taong gumambala sa aking pagmumuni-muni hindi ko alam pero ang alam ko lang sa sandaling iyon ay he's comforting me, na parang sinasabi niya sa pamamagitan ng pagsandal niya sa akin na" Huwag kang mag-alala nandito lang ako." Ang sarap sa pakiramdam 'yong tipong alam mo'ng panaginip ito pero lahat ng sakit nang nararamdaman mo ay napawi dahil lang sa isang panaginip at ang lalaking iniisip mo ay siya rin ang nagbigay kaginhawaan ng iyong nararamdaman at dahil dun ayaw ko ng magising dahil itong panaginip na yata ang pinakamaganda sa lahat.
Pero dahil nag-video ako unexpectedly na-replay ko ito at nalanman niya ang ginawa ko, hindi siya nagpahalata ng pagka-pahiya basta-basta nalang siyang tumayo at naglakad papalayo sa akin nakasuot siya ng itim na damit at ang susunod na pangyayari ay nasa loob na kami ng sasakyan hindi ko alam kung anong uri na sasakyan iyon basta kakaiba ito dahil nakaupo siya sa labas hindi ko alam kung siya ba ang nagmamaneho pero sa tingin ko nasa loob kami ng isang kalesa na pang-moderno parang gawa na sa salamin ang bintana ang nasa isip ko nun ay bakit ang layo niya sa akin 'yong tipong ang lapit lang ng lalaking hinahanap ng puso ko pero bakit may hadlang.
Wakas...
I'm into old things I loved classics, what if the one that I adore in present was been a part of my past?
KPAC who are you?