"Totoong Kaibigan"
Wala na ba talagang totoong kaibigan?
Lahat nalang nagpapalastikan.
Lalapitan ka kapag may kailangan,
Kapag wala,hindi ka pahahalagahan.
Kilala ka kapag may gusto,
Heto ka naman nagpapa-uto.
Yung tipong ikaw nagpapakatotoo,
Sila naman nagpapakapeke sayo.
Mahirap bang magpakatotoo?
Mahirap bang huwag siraan ang kapwa mo?
Bakit ba lagi nalang ganito?
Hindi na tayo natuto.
Kaibigang pinahahalagahan mo,
Para sa kanila isa ka lang basura dito.
Kaibigan mong inaasahan mo,
Iiwanan ka lng pala sa dulo.
Ang magkakaibigan dapat talaga nagtutulungan,
Alam ko yon at aking tinatatak saking isipan,
Subalit hindi porket kaibigan kita ay tingin mo lagi kang may aasahan,
Pano naman ako?minsan din kitang kinakailangan.
Kinakailangan pero asan ka?
Nandoon sa iba mong barkada,
Iniwan mo ko sa ereng nag-iisa,
Habang kayo nagpapakasaya.
Kung may balak kang iwan ako,
Hindi na ko makikipagdebate sayo.
Hindi ko kailangan ng tulad mo,
Na kaibigan mo lang ako dahil kailangan mo.
Mga pekeng kaibigan nagkalat na dito,
Totoong kaibigan asan na ba kayo?
♡♡♡♡♡♡♡
If you enjoy reading the example of my poetry and you want more.You can read my book "HUGOT POETRY".Enjoy it,Thank you in advance.^_^
https://my.w.tt/zYvqeKqasP