Hi! This is me, WonderingThoughtsss.
So, 'yun nga po. 'Di ko natuloy ang pag-update djto dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Nasira ang laptop ko. Nandun lahat ng drafts. Buti na lang may kopya ako sa notebook, kaso kulang 'yun ng isang chapter pa.
2. May kopya nga sa notebook pero hindi ko na nalagay kasi 'nung time na gusto kong iupdate, nakalimutan ko ang password.
Bakit hindi ko na lang inupdate lahat dati?
Kasi po lag ang tablet ko. Hindi ko mailagay talaga. Tsiyaka wala pa kaming wifi noon...
Sobrang nanghihinayang po talaga ako 'nun (January 2015), lalo na't 'nung gumawa ako ulit ng account this December 2019... nakita ko marami na pala ang reads. At the same time, nakakaramdam ako ng hiya kasi 'ung mga nag-aabang sa story na 'to ay nalet down ko.
Sabi ko pa naman sa sarili ko ng ilang years, "Hindi ko na lang ipagpapatuloy? Kasi antagal na rin naman eh."
Pero habang iniisip ko 'yun, alam kong hinfi puwede. Alam kong naba-bother ako, and I need to share this story talaga.
So iyon nga po, nagpapasalamat ako kung bakit maraming problema dati bakit hindi ako maka-update. Nagpapasalamat ako kasi ngayon, napagtanto kong may mga wrong grammars pa ako dati at ngayon ay naayos ko na. Inedit ko 'yung mga nakaka-cringe doon (Haha, oo, na-cringe ako sa ibang sinulat ko sa story na 'to), at may mga dinagdag na rin akong mga scenes :)
So 'yun pala ang dahilan bakit hindi ako maka-update dati.
Biruin mo 'yan, 2015 ko nagawa, halos 2020 ko na naisipang ipagpatuloy. :)
Hehehe.
Peace po sa mga nag-avang dati na 'di ko naituloy.
Ngayon po, tuloy na po talaga ito.
Promise.
There's no turning back.
Just visit my profile if you want to read it :)
Sa ngayon, One Thing na lang ang title. Hindi na 'yung mahaba na One Thing: Possible turned into Impossible. Hahaha.