Mahirap maghanap at mahirap din mag hintay
Sa isang taong doon ka talaga nababagay
Pero kung kayo talaga ang para sa isat-isa
Darating at darating ang panahon na kayo’y magkikita
Minsan naiisip mo na rin,
Baka naman nandyan na siya, sa iba ka lang nakatingin
At lagi mong nasasabi sa sarili mo,
Kailan ba talaga darating yung para sa’yo
At minsan naman, akala mo siya na yun
Nakatagpo ka pero meron namang karelasyon
Nakaramdam ka ng saya sa kanya
Pero ang lahat ng ‘yon ay pansamantala
Hanggang sa nagsawa ka nang maghintay
Pinipilit mong maging masaya kahit wala kang karamay
Nagsawa ka na rin sa paghahanap
At para bang ayaw mo na ring mangarap
Ang alam mo, unti-unti ka nang nasasanay mag isa
Pero bakit hanggang ngayon, gusto mo pa ring umasa
Ang buong akala mo masaya ka na sa buhay mo
Pero ang totoo, gusto mo pa rin makatagpo ng magpapasaya sayo
Ang dahilan kung bakit umaasa ka pa rin,
Naniniwala ka na meron talagang darating
At kahit pa ilang beses ka nang nasaktan
Alam mo na may dahilan ang lahat ng yan
Ang mahalaga, alam mo sa sarili mo na totoo kang magmahal,
Hindi talaga sila para sayo kaya ka siguro nasaktan
At sa oras na dumating na ang taong hinihintay mo
Saka mo malalaman kung bakit ngayon lang kayo pinagtagpo.