Nabasa mo na ba? Ou, ikaw nga ang kinakausap ko. Malamang sa aapurahin mo na ang pagbabasa neto.
Nabasa mo na ba ang Unang Kabanata? Nagpaparamdam na ang isang misteryosong pag-ibig sa pagitan nina Aljone at Doreen...
Sa Ikalawang Kabanata, ipinakikilala si Doreen bilang isang bagong saltang paraluman at ang mga kaklase ng mga bida sa nobela. Maraming mga pakulo si Prof G. Mababasa mo ito sa mga susunod pa na mga kabanata. Meron pa. Si Vincent at si Paula, dalawang karakter na may pag-ibig na kakaiba. Malalaman mo ang sagot kung tuluyang hihiwalayan ba ni Vincent si Paula? Parating na ang iba pang mga kabanata....
Sa Ikatlong Kabanata, nalaman mo na ba ang parehong araw ng kapanganakan ng dalawa? Dito nagsimula ang nobela. Isang palatandaan para sa mga mambabasa.
Sa Ikaapat na Kabanata, nadama mo ang iba't-ibang kalungkutan ng mga magulang ng mga bida sa nobela. Oo na, natuloy na umalis si Merlina at iniwan niya kay Lola Carmen at Lolo Grospe si Doreen. Si Domeng naman malungkot na iiwanan ang kanyang pamilya lalo na si Aljone nang ito ay magdesisyong magpunta na sa Saudi bilang isang OFW. Nakakalungkot ba? Talaga nga na isa ito sa mga nagbibigay kulay sa mga bahagi ng nobelang ito. Kaunti pa lamang yan. Go! Sa ibang bahagi papaluhain ka, magiging masaya ka rin kapag nakita mo na ang liham ni Domeng kay Neneng. Pwera biro!
Sa Ikalimang Kabanata, nakita mo ang mga personal na kagustuhan at pag-aalala ng mga tauhan ng nobela. May higit pa na kalungkutan ang mababasa mo. Kaya lagi kang maging excited!
Nakilala ninyo na ba ang mga piling tauhan na bumubuo ng nobela? Marami pa sila. Sa susunod na mga kabanata, magiging malinaw na kung sinu-sino ang mga kontrabida sa pag-iibigan nila Aljone at Doreen. Bukas malalaman mo ang mga iba't-ibang misteryo na bumabalot sa Pink Diaries, Hatol ng Pag-ibig at Kasaysayan....
Lalong tumitindi ang alitan ni Doreen at Paula. Ano kaya ang gagawin ni Paula kay Doreen? Abangan. Early tomorrow you'll get to see another chapter. :D.