Sa gilid ng eskinita
Makikita mo siya
Nakangiti
Minsan pa nga'y hahalakhak na parang kinikiliti
Mga mata'y namumula
Hindi malaman kung umiyak o naka-droga
Hindi nakakaramdam ng gutom
Mga pasa at sugat ay hindi naghihilom
Miserable man kung titignan
Ngunit dito niya nahanap ang kaligayahan
Takbo, lakad, takbo
Naglalaway na parang aso
Baliw! Baliw! sigaw ng bata
Sinong baliw, tanong sa sarili niya
Pagkat walang baliw dito
Walang baliw, malaya, oo.

Sa gilid ng eskinita makikita mo siya
Hindi mo man pansin ngunit pagmamasdan ka niya
Sa malayo
Sa malapit
Sa lupang walang langit
Kahit sa impyernong iniiwasan mong pilit
Pagkat siya nga'y sira ang ulo
Natanggalan ng turnilyo sa sentido
Ngunit siya'y kainggitan mo
Pagka't malaya siya 'di tulad mo
Ang walang hanggang kaligayahan,
Sa kalye lang pala matatagpuan
Na akala'y maabot lamang sa kama
Iyon pala'y maaari rin sa kalsada
Tulog dito, tago roon
Tago rito, tulog doon
Halakhak dito, tawa naman doon
Pagkat walang miserable dito,
Malaya, oo.








ask.fm/asktherisk
faceboom.com/asterisk.plumista
twitter.com/blobfish_po


=======================================
Love Me M O R E book 1 softcopy download link:
http://www.mediafire.com/view/?77hbioa7vw365u6
  • aquarium
  • JoinedMarch 23, 2012


Last Message
asktherisk asktherisk Aug 27, 2019 12:34AM
Hi. I just want to know how are you guys doing. I miss writing so much. But things are way different now :(
View all Conversations

Stories by Say James
BULA by asktherisk
BULA
Dahil tulad ng isang bula, lahat ng tao ay mawawala. Kaya isusulat ko ito, alaala na may isang timang na blob...
ranking #258 in rants See all rankings
Midnight Fairytale by asktherisk
Midnight Fairytale
Ito ang fairytale na walang fairy pero puro bampira. Lels.
Tula-Tulaan (Mga Kwentong Patola) by asktherisk
Tula-Tulaan (Mga Kwentong Patola)
Mga saloobin at kwentong pa-TULA.
8 Reading Lists