"You have your expectations of me... and our relationship. You're expecting the worst from me. But then each time you prove to yourself otherwise, natatakot ka. You're always on a flight mode."
"You can't blame me—"
"Oh, believe me! I'm not blaming you at all!"
"—because honesty without tact is cruelty."
I froze.
"When did I cradle you with glitters and rainbows, Peia?" I mumbled breathlessly.
Iniexpress ko nga palagi ang hinanakit at tampo ko sa kaniya. Hindi sa paninigaw o sa paraang bayolente pero sinasabi ko. Ano ba ang gusto niya? Ang magbatuhan kami ng maaanghang na salita katulad ng ginagawa niya? Kung papatulan ko sa ganiyang paraan, para ko na ring sinusunog ang tanging tulay na kumukonekta sa amin! She loves self-sabotaging things, which I realize now, at gusto niya na gawin ko rin?!
I'm just... I'm doing my best...
I heard her sniff.
"You don't snap. Even when I'm being unreasonable, sa halip ay inaako mo at ikaw pa ang hihingi ng paumanhin. Hindi ka naman daw ganiyan, sabi ni Helen. You are an ass, kaya mas nakakaparanoid dahil pakiramdam ko may sadya ka talaga kaya ganito...
"Anong kailangan mo pa mula sa akin? Sex? Thrill?"
"Not my words, for sure. Oh, you don't even trust my words," I scoffed.
"Pakiramdam ko, natithrill ka lang, eh. Sanay ka sa atensiyon na binibigay ng lahat sa'yo and here comes Peia who rejects you upfront. Kaya ganito ka ka-effort..."
Pinalis ko kaagad ang luhang naglandas sa gilid ng aking mata. Tangina. Nakailang iyak na ako sa babaeng 'to, ah? Nakakalalaki na, ah?
—
Mercedez 4: Keeping This Love in a Photograph chapter 20 is now up!
https://www.wattpad.com/1493412092