Sino ba ako? Marahil, sa iba, ako si Paul, isang simple't matangkad na nilalang, pero para sa mga hindi nakakaalam, may kapangyarihan ako. Pero hindi tulad nina Spiderman o Superman, wala akong suot, este wala akong costume. Hindi naman kailangan may costume ka para masabing may kapangyarihan ka. At alam mo kung ano ang kapangyarihan kong 'to? Ito ay ang maibahagi sa iba ang talento ko sa pamamagitan ng pagsusulat. 

Pero huwag ka, lumilipad din ako sa kalangita't nakikipaglaban sa mga nagsisipaglakihang goons gamit lamang ang isang kamay ko.

Nanirahan ako sa bulubunduking parte ng Arizona, sa may hilagang Arizona to be exact, sa loob ng apat na buwan. Para akong preso rito, sa totoo lang. Ang tinitirahan ko'y walang electric fan, stove, at telebisyon, tanging banyo at kama lang. Pero masaya naman ako sa karanasan ko bilang guest service agent sa isang hotel sa Arizona. Natuto ako sa buhay (kahit na minsa'y pagod) at kumita naman kahit paano.

Pero huwag ka, kaaway ko 'yung manager kong tiga-Mississippi.

Bakit blithenonchalance? May nakita kasi akong isang pangungusap na may ganyang mga salita. Magkatabi sila. Kaya 'yun, ginamit ko. Ayos, hindi ba?

Pero huwag ka, hindi ko alam ibig sabihin ng blithe n'ung una.

Pangatlong account ko na 'to, sa totoo lang. At sa totoo lang ulit, kaya ako gumawa ng panibagong account ay sa kadahilanang nakalimutan ko na 'yung ibang mga taong nakilala't nakausap ko sa unang dalawa kong account. Patawarin, matanda na ako.

Pero huwag ka, kahit marupok na 'tong utak ko eh pogi pa rin ako.

Ako si Paul, at 'di tulad noon, mas matured na ako.

Yata.

#LoveWins
  • Philippines
  • JoinedJune 27, 2015

Following

Last Message
blithenonchalance blithenonchalance Oct 11, 2015 02:18PM
What happened to Wattpad? Ang gulo.
View all Conversations

Story by Paul
Midnight Blues by blithenonchalance
Midnight Blues
Ang mga bituin sa kalangitan ang siyang saksi sa ating pagmamahalan... at paghihiwalayan.
3 Reading Lists