Ika-23 ng Nobyembre sa taong 1993, Nagbunyi ang sansinukuban sa kadahilanang nailuwal na ang pinakabobong nilalang. Sa araw na ito nagsimula ang aking paglalakbay at ang aking pagsulat sa nobelang aking akda na kung saan ako ang bida at ikaw, wag kang paepal!

Pinangalanang Albert, hindi dahil gusto nila kundi nung baby pa ako bigla akong nagsalita at inutusan silang iyun ang ipangalan sa akin. Chavacanong Kapampangan, na ngayo’y nasa Cavite nanghihinain. Ewan ko ba, ako ata ang tunay na the explorer at hindi si Dora. Ipinanganak ako sa isang malayong kaharian, ay mali sa malayong kampo militar pala sa siyudad ng Zamboanga, dinala sa Cagayan de Oro para doon lumaki ngunit nang 4 na taong gulang ay pinadpad sa Pampanga na kung saan dun na ako nag-aral, lumaki at natutong maging baliw. Pero di pa dun nagtatapos, bumalik kami ng CdeO para doon ipagpatuloy ang aking pag-aaral ngunit kung kelan gagraduate na akong valedictorian sa High school tsaka pang naisipang maglipat na naman. At dito nga sa Cavite napadpad, na kung saan ang dating baliw ay naging panakabaliw.

At dahil uso ang mangarap, makikiuso na din ako. Simple lang naman ang aking pinakamimithing pangara, yun ay baguhin at iligtas ang mudo. Simpleng lamang ako pero alam kong may magagawa ako upang sa mundong ibabaw buhay natin mapadali. Nais kong iligtas ang mundo sa pagkawasak. Hindi man ako si superman o kung sinomang hinahangaan nyong superhero hintayin nyo lang at maririnig nyo ang aking pangalan at maililimbag ito hanggang sa kaapo-apuhan natin. Baliw na kung baliw pero alam kong magagawa ko ito.
Ang paborito ko palang tanawin ay ang langit na bnagliliwanag dahil sa kidlat, ganun ding ang paborito kung tunog, ang angungol ng kulog. Kaya naman kung ako’y mamatay ang pangarap kong kamatayan ay matamaan ng kidlat. At sa aking pagkasawi paniguradong ipagluluksa ako ng daigdig.
  • JoinedApril 23, 2012


Following


Stories by Albert