"Ewan ko kung ilang beses na nasabi ang pangungusap na "Normal lang sa isang relasyon ang pag-aaway". Sa sobrang dami siguro, papantay na ito sa dami ng sequel ng Shake, Rattle and Roll. Pero muli, natural lang yun. Hindi naman kasi kayo nagse-share sa iisang utak para maging imposible ang hindi pagsang-ayon. Ang importante ay kung paano mo ito iha-handle. Syempre, kung ikaw ang may kasalanan, e di mag sorry. Kung sa tingin mo siya ang nagsimula, subukan mo din na unang kumibo. Bakit? Dahil hindi mo pwedeng pakasalan ang pride. Sigurado din akong hindi siya masarap magluto. Baka lasang sabon (uy oh, nagjo-joke **tawang plastik**). At parang awa mo na, wag kang isip bata. Kung hindi mo makuha ang gusto mo kahit pa may sapat namang dahilan, iwasan ang magtampururot na parang isang batang hindi binilhan ng lollipop. Dahil kung ganun ka, di kapa pwede sa isang matinong relasyon. Umuwi ka muna sa iyong nanay at maglaro ng bahay-bahayan hanggang sa hindi mo na ito magustuhan."
(c) Akoposijayson
#heopenedupmymind
#alliswell