dadadarny

PANGATLO
          	
          	Naging magkaibigan tayo. Ewan ko ba oh baka ako lang ang nag assume. Pero isa lang ang sigurado ako sa iyo. Napakalabo mo. 
          	
          	Isang araw may isang event parang movie watching. Pupunta na sana ako at ang aking mga kaibigan, sa katunayan hindi naman talaga ako pupunta pero sabi nila pupunta ka raw at muli naman kitang makikita. Kaso nga lang hindi ako pinalabas ni mama dahil marami pa daw akong gagawin sa party namin pamilya. Edi ayun nagpakasaya kayo doon. Sumayaw ka daw sa stage, alam mo bang ang tigas ng katawan mo? Ahahaha gusto ko naman. Pagkatapos ng event, sa hindi inaasahan, hinanap mo ako... Napakasaya ko sa mga oras na iyon, na baka nga nararamdaman mo din ang sinisigaw ng aking puso. Nag chat ka pa nga sa akin. Sa unang pagkakataon, ikaw yung una at 9 days ago pa yung last chat natin kaya doble saya ate niyo ahaha. Nag usap lang tayo hanggang sa nawalan ako ng buhay, nakatulala sa cellphone, pilit na iniisip kung anong mali, noong binanggit mo na may gusto ka pa lang iba... 
          	
          	Ang labo mo... o umasa lang talaga ako

PANGALAWA 
          
          Lumipas ang apat na araw at ikaw pa rin ang iniisip ko. Nalaman ko na ang pangalan mo dahil sa kaklase ko. Alam ko din naman sa una kung saan ka nag aaral. Kasama ka kasi sa national team sa isang paligsahan. At nagkataon, magkalaban tayo sa isang paligsahan. Ngunit, sa araw na ito parang nawalan na ako nang pag asa na makita ka pang muli. Sinasabi ko sa aking sarili na hindi ka naman kasi kita sineryoso. Nagkataon lang ang lahat. 
          
          Umaga non at nagulat ako na nagising ako ng maaga, na para bang may kailangan akong gawin. Hindi ko lang ito pinansin at kinuha ang cellphone ko. Biglang tumigil ang aking mundo at muli akong napangiti. In-add mo ako sa fb. Tumalon ako sa aking higaan at pinigilan ko ang aking tili dahil baka magising sila ate. Hindi ko talaga akalain na gagawin mo iyon. 
          
          Isang gabi nag lakas loob na talaga akong kausapin ka... sa chat nga lang. Nag wave ako at ngmag ka din naman, tapos biglang nag send ka ng wave na emoji. Gets ko naman na wave yun pero gusto ko talagang maramdaman, makita, mabasa kung paano ka mag chat sa mga tao. Kaya ayun nagpakatanga lola niyo. Simple lang naging usapan natin, tungkol lahat sa pinya hahay. Gusto ko kasi ng pinya. Ramdam ko din na ayaw mo nang makipag usap sa akin kaya tinigil ko na lang din.
          
          Pagkatapos non naramdaman ko na baka desperada talaga ako. Na guilty ako at parang na hiya bigla. At doon ko napagtanto na nagkamali ako, hindi mo pala naramdaman ang nararamdaman ko.

dadadarny

Hi. Wala naman atang magbabasa neto. 
          
          UNANG PAGKIKITA
          
          Sa gabing yun, hinding hindi ko makakalimutan kung paano tumayo ang balahibo ko, tumigil ang mundo ko at bumilis ang tumibok ng puso ko. Na para bang matagal na kitang kilala at matagal na kitang mahal. Walang halong biro. Iba eh. 
          
          Galing ako school non at mga alas 7 na ng gabi. Pagod na bumaba ako sa tricycle at nagsimula nang maglakad pauwi (minsan lang na may tricycle na didiretso sa amin, mas mabuti safe. Malapit lang din naman) na alala ko pa maulan noon. At medyo madilim, ang tanging ilaw lang ay sa gasoline station. Malamig... habang nagtatali ako sa aking buhok, dumaan ka bigla. Hinding hindi ko makakalimutan ang iyong mga mata na may mahabang pilok at iyong matangos na ilong, dalawang dimples mo at ang cute mong messy hair. Crush at first sight yun. Sinabi ko sa sarili ko na wala namang bago. Ang dami ko nang nakitang ganyan pero nilamig ako bigla at dinig ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Mga 3 segundo lang tayong nagkita pero eto pa rin ako, pilit na inaalala sa mahigit 2 linggo ang pinaka espesyal na 3 segundo sa buhay ko. Hanggang sa pag uwi, hindi na kita mawala sa aking isipan. Hindi ko alam kung ako lang ba pero pakiramdam ko parehas tayo ng nararamdaman. Ang weird nga eh. Dito nag simula ang lahat...