Alam mo yung mahirap? Yung akala mo okey na ang lahat, akala mo hindi mo na mararamdaman yung sakit kung paano maiwan ang hindi pahalagahan, yung maitatanong mo na lang sa isip mo na “ako yata ang may diperensya?” Yung akala mo mararamdaman mo naman na ikaw yung priority... akala ko iba yung love story namin, pero parang mauulit na naman pero sa ibang tao naman. Paulit ulit na sinasabi ng utak ko na “Kasalanan mo naman yan, naging padalos dalos ka... kahit alam mong hindi mo pa kayang masaktan ulit, hindi ka pa ba natuto nung una? Masyado ka kasing nagtiwala agad eh, kahit gusto mong umahon pero nahulog ka na ng sobrang lalim”.
Sa lalim hindi ko na alam paano ko makakaahon. Pano ako?