Hello! Magandang araw! Nawa'y nagustuhan nyo yung mga akdang naisulat ko.
Trese anyos pa lang ho ako mula nung isinulat ko yung The Lost Apprentice: Ang Siyudad ng Atlantis at sobra ho akong natutuwa sa paraan ko sa pagsulat at likot ng imahinasyon ko noon. Dahil nga marami na ring nangyari sa buhay ko, nakapagdesisyon akong iwan ang Wattpad at ang kwentong ito, at magpatuloy sa buhay.
Subalit, marami ring mga nasasayangan sa kwento. Mga pareho kong mahilig sa mga bagay na ika nga ng iba, 'hindi normal', mga bagay na binabaon nalang natin sa label na pantasya at sa ideyang ito'y pangbata lamang. Kaya naman, nakapagdesisyon akong ipag patuloy ang kwento. Para na rin sa mga mambabasang lubos kong pinapasalamatan sapagkat hindi nila binitawan yung akdang inabandona ko na.
Magsisimula akong irevise ang kwento mula sa simula. Aminado akong di ako ganun ka hasa sa pagsusulat noong sinimulan ko ito. Nawa'y subaybayan nyo pa rin ang kwento at sa muli, lubos po akong nagpapasalamat.
Sumasainyo,
Dragon3Slair (kahit na itong codename ko ay napakacringy hahahahaha)
- JoinedNovember 9, 2014
Sign up to join the largest storytelling community
or
dragon3slair
May 30, 2020 05:31AM
Hello! Magandang araw! Nawa'y nagustuhan nyo yung mga akdang naisulat ko. Trese anyos pa lang ho ako mula nung isinulat ko yung The Lost Apprentice: Ang Siyudad ng Atlantis at sobra ho akong natutuw...View all Conversations