Dedicated to: Sapphire Moon
Binibini, alam mo ba?
Na ikaw ay mas gumaganda,
Sa tuwing ikaw ay ngumingiti,
Sapagkat ito ang laging namumutawi.
Kalimutan ang nakaraan,
Harapin ang kasalukuyan,
Iwanan ang ala-ala,
At sa luha'y 'wag magpadala.
Binibini muli mong iukit,
Ang ngiti at 'wag ang sakit,
Na iyong nadarama,
Dulot ng paglisan niya.
Pakiusap ngumiti ka,
Handa akong magpasaya,
Makalimutan lamang siya,
At mawala sa'yong ala-ala.
nais kong mag pasalamat sa kapwa ko manunulat na si @kleo writes sa kanyang napaka gandang tula