"Wattpad"
Naging tahanan ko sa loob ng pitong taon at walong buwan. Dito ako nagsimulang magsulat ng kuwento, from fanfiction hanggang sa isa-isa kong na-explore ang bawat genres. Nagsimula rin ako bilang below-the-amateur writer. "Naging jeje rin ako. I don't mind being judge by the way I write basta masaya ako sa ginagawa ko," words came from the 2014 version of mine. Luckily, there are some people taught me how to improve my writing at madali ko naman nai-apply 'yon sa stories ko.
Naranasan ko rin madapa nang pauilit-ulit. Nabigo nang maraming beses, tinanggihan ng publishing house, nilayasan ng readers. Na-bash. Saksi ang platform na ito sa bawat struggles ko bilang isang manunulat.
I have witnessed how Wattpad has changed. From a peaceful platform turned into the world filled with hatred, comparison and toxicity. Masakit para sa akin na unti-unting nasisira ang tahanan ko sa loob ng mahabang panahon. Na dahil sa makabagong henerasyon, nagbago ang Wattpad.
Sa Wattpad ko isinulat ang flagship story kong The Billionaire Butler na sinimulan ko noong June 2020 at natapos nitong July 2021. Alam kong ilan sa inyo ang nakakaalam ng kuwentong ito at malaki ang pasasalamat ko sa inyo dahil sinuportahan niyo ang TBB kahit hindi ganoon kaayos ang pagkakasulat ko nito.
Wattpad, ikaw ang naging saksi sa bawat struggles at maliliit na achievements na nakuha ko and with that, thank you. Salamat sa halos walong taon na pinatuloy mo ako sa tahanan mo kung saan marami akong natutunan at nakilalang mga tao na binago ako. Masakit man sa akin na kailangan ko nang umalis, ginagawa ko 'to para lalo pa akong mahubog bilang writer until the right time na maabot ko ang pangarap ko na maging isang ganap na author.
Salamat sa 7 years and 8 months.
I, Avaaaaxx/faxwhisererepaulsen, is now signing off as your Wattpad writer on the 6th day of October 2021.
Sana'y suportahan niyo ako sa panibagong chapter ng career ko. See you soon! ❤️