fiduscrimxxon
Gusto kong magsulat ng mga storya pero kailangan ko munang mag-reflect kung ano ba talaga ang gusto kong gawin moving forward for the next few years.
Habang dumarami na ang responsibilities ko sa buhay, kumokonti na rin ang oras sa ibang bagay. That's the sad reality. So, I have to make this decision to end this chapter of my life muna.
Maaaring magsimula ulit ako in the future under a different pen name, o di naman kaya'y maaaring tuluyan na akong umalis sa Wattpad at sa pagsusulat online - ang daming possibilities pero hindi ko pa talaga alam kung ano ang tatahakin ko ngayon. Ang dami kasing nangyayari sa personal life ko lately. That's why I have to formally say goodbye. I just don't want to leave you guys hanging, most especially ang gulo ng mundo at utak ko lately.
Sa mga nakilala ko dito, maraming salamat! Itong Death of an Idol, nasisiyahan ako sa process sa paggawa ng storyang ito at satisfied na satisfied talaga ako, pero irerevise ko pa rin siya offline dahil ang dami pang pumpaasok sa utak ko kung paano pa siya papagandahin. Mas may oras na ako ngayon na isulat yung mga parts na gusto ko pang isulat, at i-cut yung mga parts na sa tingin kong kailangan kong i-cut. I'm doing it mainly for myself kasi naniniwala ako na kapag pinaghirapan at minahal mo talaga ang isang storya, mararamdaman talaga ng mga readers 'yan. eh.
Maraming salamat rin sa Wattpad at Wattys sa recognition na ibinigay niyo sa'kin. Tuwang-tuwa talaga ako noong time na nalaman kong parte ang kwento ko sa Honourable Mention! Gulat ako na out of thousands of stories, nakapasok ako! Kaya maraming salamat talaga!
Kung mawala man ako dito sa aking Wattpad account o di kaya'y sa ibang platform ko na ipupublish ang past-present-future works ko, o kaya nama'y may ibang pen name na ako, o kaya'y hindi na talaga ako magsulat online, I hope that in due time, I'll meet you guys soon - malaman niyo man o hindi na ako si Fidus Crimxxon!
Ayun lang! Maraming salamat sa lahat, guys!
- Fidus Crimxxon
vixjen234
@fiduscrimxxon Thank you din po. Nakilala po kita bilang author sa Pilipinas. Isa ka sa mga favorite kong author. When I have a depression problem, nariyan po kayo para patatagin at mahalin ang sarili ko dahil sa mga aral at quotes na pinopost mo na naging vision ko, and I'll promise to bring it for the rest of my life. Kung anoman po ang maging desisyon mo, magiba man ang pen name mo, I wish you all the best, Author! Btw, thank you po sa pag-follow back sa'kin! May the Force be with you! ♥︎♥︎♥︎
•
Reply